^

Bansa

Pangulong Marcos: Public schools kakabitan ng internet

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pangulong Marcos: Public schools kakabitan ng internet
Ang anunsiyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay ginawa matapos inspeksyunin ang “Brigada Eskwela” sa Tibagan Elementary School sa San Miguel, Bulacan.
Bongbong Marcos / Facebook Page

MANILA, Philippines — Maglalagay ang gobyerno ng internet access sa mga pampublikong eskwelahan sa bansa partikular sa malalayong lugar para mas mapahusay pa ang pagtuturo sa mga estudyante.

Ang anunsiyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay ginawa matapos inspeksyunin ang “Brigada Eskwela” sa Tibagan Elementary School sa San Miguel, Bulacan.

Ayon sa Pangulo, nakita nito ang software ng Khan Academy gamit ang Starlink para sa internet connection at nais nitong magkaroon ang iba pang mga paaralan sa bansa.

“Gagawin natin sa mga iba’t ibang eskwelahan lalung-lalo na doon sa malalayo dahil may teknolohiya na. Ito yung nakikita yung Starlink, puwede na yan. Basta ikabit mo lang, isaksak mo lang, okay na mayroon ka ng Wi-Fi,” pahayag pa ni Marcos.

Sinabi pa ng Pangulo na nagagalak siyang mayroon ng teknolohiyang katulad ng Starlink kaya titingnan ito ng gobyerno para may magamit ang mga estudyante sa pasukan. 

Aminado naman ang Presidente na kulang ang mga teacher sa bansa, kaya pinag-aaralan na rin nila ni DepEd Secretary Sonny Angara na bawasan ang administrative duty na binibigay sa mga guro.

“Kasi naging teacher kayo para magturo, hindi para mag-bookkeeping. Kaya yun ang ginagawa namin” ayon pa sa Pangulo.

INTERNET

SCHOOL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
OSZAR »