Government officials na na-stranded sa Israel, nakauwi na

MANILA, Philippines — Nakabalik na sa Pilipinas ang 21 opisyal ng gobyerno na na stranded sa Israel matapos maipit sa kaguluhan sa pagitan ng Iran at Israel.
Sinalubong ni DILG Secretary Jonvic Remulla ang 17 local government officials na dumalo sa isang agricultural training at apat na industry specialists ng Department of Agriculture (DA).
Sa 17 opisyal, dalawa dito ang Kongresista, 9 mayor, 4 vice-mayors at 3 regional directors, kung saan nagsimula ang kanilang traning noong Hunyo 10 at sana ay magtatapos nitong Hunyo 20.
Sinabi ni Remulla na mula sa Kibbutz sa Israel kung saan nanatili ang mga opisyal ng gobyerno ay bumiyahe sila sakay ng bus patungo sa Amman, Jordan at mula doon ay sumakay ng eroplano patungong Dubai at saka nag-commercial flight pabalik dito sa Maynila.
Kinilala naman ang apat na opisyal na na-stranded na sina DA Assistant Secretary Benjamin Albarece, Philippine Carabao Center Executive Director Liza Battad and National Dairy Authority officials Rowena Bautista at Angelica Escanilla.
Nakatakda na sanang bumalik ng Pilipinas ang apat na opisyal ng DA noong Hunyo 14 matapos ang halos isang linggong study mission subalit na-cancel ang kanilang flight dahil na rin sa pagsiklab ng kaguluhan sa Israel at Iran.
- Latest