VP Sara, susunod sa summons ng Senate impeachment court

MANILA, Philippines — Kinumpirma ni Vice President Sara Duterte na susunod siya sa summons na ipinadala ng Senate impeachment court.
Sa panayam sa kanya sa Kuala Lumpur, Malaysia, sinabi ni Duterte na naghahanda ang kanyang defense team sa kung paano gagawin ang pagsagot sa mga summon.
Matatandaan na isinilbi ng Senate impeachment court ang summons sa Office of the Vice President headquarters sa Mandaluyong City noong Hunyo 11.
Laman nito ang seven articles of impeachment na ipinadala ng Kamara at inatasan ang bise presidente na maghain ng kanyang sagot sa loob ng 10 araw sa sandaling matanggap ang dokumento na walang extension.
Sinabi ni Senate President Francis Escudero, inatasan din si Duterte na magpakita sa Session Hall ng Senado sa Pasay City sa petsa at oras na itatakda ng Presiding Officer.
- Latest