VP Duterte: Walang obligasyon na idetalye ‘personal trips’

MANILA, Philippines — Sinabi ni Vice President Sara Duterte na wala siyang obligasyon na ipaalam sa publiko ang tungkol sa kaniyang personal na pagbiyahe sa Australia, bilang sagot sa komento ng Malakanyang na idetalye ito.
Una nang nagpahayag si Palace Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro na magbigay siya ng detalye ng kaniyang pagbiyahe kaugnay sa sinabi ni Duterte na ginagawa niya lang ang mga trabaho niya.
“‘Yan ‘yung example ko sa inyo na bobo talaga, ‘di ba?” ani Duterte sa isinagawang press briefing sa Davao noong Hunyo 27.
Hindi aniya kailangan na isapubliko niya ang ginagawa sa personal trips, sa pagsasabing ang isang government officials na on leave at nasa personal trips at hindi gumagamit ng pera ng gobyerno.
“Kapag gumagamit ka ng pera ng gobyerno, official business ‘yan, kailangan mo mag-report,” aniya.
“Akala siguro nila pumunta ako dun sa Australia for interim release yun ang… ganyan mag-isip ang mga intellectually challenge (kapalit daw ng bobo)..hindi masyado malalim yung pag-iisip nila, hindi nila pinalalaliman ang pag-iisip, kala nila related yun sa interim release,” aniya.
Inakusahan din ni Duterte ang administrasyong Marcos ng “political scapegoating” matapos balewalain ng Palasyo ang kanyang panayam sa international media bilang isang diversionary tactic.
Inakusahan ni Duterte si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na gustong manatili sa kapangyarihan sa pamamagitan ng pagtanggal sa kanya bilang “frontrunner” sa 2028 presidential elections at ginagamit siya para malito ang mga tao sa mga kapalpakan umano ng gobyerno.
“Kapag walang nangyayari sa administrasyon mo at walang ginagawa ‘yung principal o ‘yung presidente, ang gagawin nila is magtuturo ng ibang tao. Kapag merong kuwestyon sa kawalan ng ginagawa ng administrasyon, ang gagawin nila ay magtuturo sa ibang tao para nawawala ‘yung tanong at parang nagugulo ang mga tao,” ani Duterte.
- Latest