Bangungot

Dear Dr. Love,

Parang bangungot na walang katapusan ang aking pakikisama sa aking asawa na brutal sa pakikipagtalik.

Kung titingnan siya sa panlabas, mukha siyang disente at matino.

Ang problema ko sa kanya ay kung ano-anong malaswa ang gusto niyang ipagawa sa akin kapag kami’y nagtatalik. Ayaw ko nang ilarawan ito dahil nakaririmarim para sa akin.

Ito ay kagaya nang napapanood sa mga x-rated na pelikula na ayaw kong panoorin dahil lumaki ako sa konserbatibo at disenteng pamilya.

Minsang pinagbigyan ko siya, talagang bumaliktad ang aking sikmura sa pandidiri. Sabi niya mambababae na lang siya at huwag ko siyang sisihin kung hiwalayan niya ako.

Hindi naman siya dating ganoon. Responsable naman siya at kagalanggalang.

Ano ang gagawin ko?

Hermie

 

Dear Hermie,

Kung hindi siya dating ganon, ma-lamang may mga kaibigan siyang nakaimpluwensya sa kanya.

Hindi na normal ang gusto niyang gawin mo.

Kumunsulta kayo sa marriage counse-lor na dalubhasa sa clinical psychology.

Kausapin mo rin siya nang mahinahon at ipaliwanag mo na hindi mo kayang gawin ang kanyang ipinagagawa na ang-kop lamang sa babaeng bayaran.

Asawa ka niya at dapat tratuhin ng disente.

Dr. Love

Show comments


OSZAR »