Dear Dr. Love,
Ako po ay isang misis na nagmamahal nang tapat sa asawa, pero nabibiyak ang puso ko tuwing pinipili niyang magalit sa mga mahal ko sa buhay — ang sarili kong pamilya.
Wala silang ginagawang masama sa kanya, pero tila ba bawat kilos nila ay may mali sa paningin niya. Kapag may handaan, ayaw niyang dumalo. Kapag may problema, ayaw niyang makisangkot.
Hindi ko alam kung galit siya sa kanila o sa bahagi ng pagkatao ko na nagmula sa kanila. Mahal ko siya, pero nasasaktan akong itinatakwil niya ang mga taong mahalaga sa akin. Hindi ba dapat, kapag nagmahal ka buong pagkatao ng asawa mo — kasama ang pinagmulan— niya-yakap mo rin?
Pagod na akong mamangka sa dalawang ilog. Sana, makita niyang hindi kalaban ang pamilya ko, kundi bahagi ng buhay na pinili naming buuin.
Laila
Dear Laila,
Ang pag-aasawa ay hindi lang pagsasama ng dalawang puso, kundi pagyakap din sa pinanggalingan ng bawat isa.
Kung mahal ka niya, bakit niya kaila-ngang saktan ang mga taong mahalaga sa’yo?
Hindi mo dapat buhatin araw-araw ang bigat ng pagpili sa pagitan ng asawa at pamilya. Sa tunay na pag-ibig, walang dapat ipagtabuyan — kundi ang pride na sumisira sa pagkakaunawaan.
Minsan, hindi mo kailangan ng bagong tahanan…kundi ng mas malawak na pang-unawa sa loob ng tahanan mo.
Subukan kong kausapin ang iyong asawa nang walang panunumbat, kundi may malawak na pang-unawa at pagmamahal. Sikapin mong malaman ang damdamin niya na pinaghuhugutan ng malayong pagtrato sa iyong mga kamag-anak at sa paraan na mauuwanawan niya, sikapin mong ihayag naman ang iyong mga ob-serbasyon at pananaw tungkol dito.
Hikayatin mo siyang bigyan ng espasyo sa puso niya na magkaroon ng mabuting ugnayan sa iyong mga kamag-anak na mahal mo rin at bahagi ng inyong pamilya.
DR. LOVE