^

Police Metro

Kampo ni Digong humiling ng interim release sa ICC

Gemma Garcia - Pang-masa
Kampo ni Digong humiling ng interim release sa ICC
Former Philippine President Rodrigo Duterte is seen on a screen with his lawyer Salvador Medialdea (L) in the courtroom during his first appearance before the International Criminal Court (ICC) on charge of crimes against humanity over his deadly crackdown on narcotics, in The Hague on March 14, 2025.
AFP / Peter Dejong, pool

MANILA, Philippines — Humiling ang mga abogado ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ng kanyang pansamantalang paglaya patungo sa isang hindi binanggit na bansa mula sa pagkakakulong sa International Criminal Court (ICC).

Sa isinumiting court filling ng lead counsel ni Duterte na si Nicholas Kaufman sa ICC, hiniling niya ang pansamantalang paglaya habang hinihintay ang paglilitis sa kanyang kasong crimes against humanity.

Nakasaad pa rito na ang ICC prosecutors ay nagpahiwatig na hindi sila sasalungat sa pagpapalaya sa ilalim ng ilang kondisyon.

Giit pa ni Kaufman na ang katandaan ng dating presidente at ang kanyang mga isyu sa kalusugan ay mga batayan para sa pagpapalaya at ang pagkukulong sa kanya ay hindi na kailangan dahil hindi siya “flight risk”.

Isang dayuhang bansa na rin na hindi binanggit ang ­nagpahayag ng kahandaan para kupkupin si Duterte.

Igagalang naman ng Palasyo ng Malakanyang ang desisyon ng ICC sakaling pagbigyan ang interim release ni Duterte.

RODRIGO DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
OSZAR »