Palasyo may banat kay VP Sara dahil sa mga biyahe abroad
MANILA, Philippines — Sinagot ng Malacañang ang naging maaanghang na pahayag ni Vice President Sara Duterte kaugnay ng pagkuwestyon ng gobyerno sa kanyang mga biyahe sa ibang bansa.
Sa isang press briefing ngayong Lunes, Hulyo 1, sinabi ni Palace Press Officer Claire Castro na kung opisyal ang biyahe at may dala-dalang tungkulin, dapat may malinaw na ulat kung ano ang na-accomplish.
“Kung walang mai-report, baka walang natrabaho,” ani Castro.
Matatandaang umalma si Duterte sa mga ulat tungkol sa kanyang foreign trips, at tinawag na “gago” ang mga bumabatikos sa kanya. — ayon sa report ni Geraldine Santos
- Latest