VP Sara, tikom na sa 2028

Para sa kanyang kaligtasan
MANILA, Philippines — Nagpasya si Vice President Sara Duterte na itikom na muna ang kanyang bibig sa kanyang mga planong pampulitika, partikular na sa 2028 presidential elections, para na rin umano sa kanyang kaligtasan.
Tumangging magbigay ng pahayag ang Bise Presidente nang matanong ng media sa isang pulong balitaan, hinggil sa kanyang mga planong pampulitika.
Ayon kay VP Sara, hindi umano niya masagot ang naturang tanong ng media dahil sa pangambang ipapatay na siya bukas.
“Hindi ko po kasi ito masagot kasi baka patayin na nila ako bukas,” ani VP Sara.
Aniya pa, ngayon pa lamang ay target na siya ng mga political attacks at plano pang patalsikin sa posisyon, sa pamamagitan ng impeachment trial.
“Ako na ang may kasalanan ng lahat, inimpeach na nila ako, pero hindi pa ako na-impeached hanggang ngayon. So baka ang susunod noon ay sabihin nila na i-tegi na lang ang babaeng ito para matapos na ang problema ng administrasyon…. hindi na bayan ha? ng administrasyon,” aniya pa.
“Hindi ko masagot ma’am, kung buhay pa ako bukas,” aniya pa.
- Latest