^

Metro

Lalaki sugatan, 25 pamilya nawalan ng tahanan sa sunog

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Lalaki sugatan, 25 pamilya nawalan ng tahanan sa sunog
Nasa maayos namang kalagayan ang biktima na nagtamo ng lapnos sa balat at sinasabing nakatira sa tahanang pinagmulan ng sunog.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Isang lalaki ang nasugatan habang 25 pamilya naman ang nawalan ng tahanan matapos na sumiklab ang sunog sa Sampaloc, Manila kahapon ng madaling araw.

Nasa maayos namang kalagayan ang biktima na nagtamo ng lapnos sa balat at sinasabing nakatira sa tahanang pinagmulan ng sunog.

Batay sa ulat ng Manila Bureau of Fire Protection (BFP), nabatid na dakong alas-4:28 ng madaling araw nang sumiklab ang sunog sa tahanang matatagpuan sa Basilio St. kanto ng Florentino St. sa Sampaloc.

Ayon sa mga bumbero, nasa anim na tahanan ang tinupok ng apoy, na umabot lamang sa ikalawang alarma at naapula dakong alas-6:35 ng umaga.

Sa pagtaya ng mga awtoridad, aabot sa P300,000 ang halaga ng mga ari-ariang tinupok ng apoy. Samantalang nakatanggap din ng impormasyon ang mga awtoridad na sinadya ang sunog pero kasalukuyan pa nila itong sinisiyasat.

SAMPALOC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
OSZAR »