Ombudsman pinuri ng House prosecution panel

MANILA, Philippines — Pinuri ng House prosecution panel ang pahayag ni Ombudsman Samuel Martires na hihintayin muna ang resulta ng impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte bago nila tapusin ang kanilang imbestigasyon sa mga alegasyon laban sa kanya.
Sa Saturday News forum, sinabi Atty. Antonio Audi Bucoy na malinaw ang sinabi ni Martires na ang kanyang kapangyarihan lang ay mag-imbestiga at hindi magdesisyon.
Giit pa ni Bucoy na tama ang sinabi ng Ombudsman na aantayin na lang ang kahihinatnan ng impeachment trial kaya dapat lang aniyang purihin si Martires sa kanyang mga pahayag.
Nilinaw din ni Martires na sa sandaling mapawalang sala ang Bise Presidente ng impachment court ay wala rin silang kapangyarihan na magsampa ng kaso.
Itinanggi naman ni Martires na lumabas siya para isabotahe ang pagdinig nang kumilos sila sa report na isinumite ng House Committee on Good Governance and Public Accountability.
“Mabuti na nagsalita si Ombudsman Martires that he is leaving it to the next Ombudsman to address the case..We welcome that because yun po ang tamang proseso,” saad pa ni Bucoy.
- Latest