^

PSN Opinyon

Gen. Torre, masama ang loob sa LaLaMove!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

NAIRITA si CIDG director Maj. Gen. Nicolas Torre III sa ma­nagement ng delivery platform na LaLaMove. Bakit? Kasi nga mga kosa, may nasakote ang mga tauhan ni Torre na dalawang delivery personnel ng LaLamove na nagda-divert ng kanilang delivery sa ibang tao at nagpa-ransom pa sa tunay na may-ari.

Masusing iniimbestigahan ito ng CIDG at sa kasamaang palad ayaw makipag-cooperate ng taga-LaLaMove. Sana­magan!

“Parang kami pa ang nagmamakaawa para proteksiyunan ang brand nila. Ayaw mag-cooperate sa imbestigasyon,” ani Torre. Ayon kay Torre, nakadalawang beses ng ganyang modus operandi ang na-encounter nila.

“Aba eh wala lang sa kanila at parang mas masigasig pa ako na protektahan ang brand nila kaysa sa kanila mismo,” ang giit pa ni Torre. Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Ganito pala ang nangyari mga kosa. Bumili ng floor tiles ang complainant na si Mary Ann Feliciano, 41, sa Wilson­ Depot branch Commonwealth Ave., sa Quezon City noong April 22 at ipina-deliber ito sa kanilang bahay.

Pagkaraan ng tatlong araw, tinawagan ng sales agent ng Wilcon si Feliciano na na-pick-up na ng LaLaMove deli­very driver ang items. Nai-forward pa ng sales agent ang phone number ng driver na 0964-114-4152 para sa magandang coordination.

Buong maghapon na naghintay si Feliciano subalit namuti ang mata niya sa kahihintay, walang dumating na de­livery. Dipugaaa!

Kinabukasan, nakatanggap ng text message si Feliciano mula sa nasabing driver na humihingi ng P10,000 ransom para sa pag-release ng floor tiles. Tsk tsk tsk! Bagong modus ito ah? Ayon kay Torre, walang kinalaman ang Wilcon sa ransom demand at sariling diskarte ito ng driver.

Hindi nag-aksaya ng panahon si Feliciano at inireport niya ang ransom demand sa mga tauhan ni HPG director Brig. Gen. Eleazar Matta at kasama ang CIDG ay nagsagawa ng imbestigasyon. Gamit ang technological tools, tulad ng Viber account tracing, natuklasan na ang “user’s name” ng account ay sa isang alyas “Ezekiel”. Paktay kang bata ka!

Sa pamamagitan ng intel gathering, natuklasan pa ng PHPT-Rizal na ang ginamit na behikulo ng mga suspects ay Isuzu Aluminum Closed Van (CBR 7521) na nakitang naka-park sa harap ng isang food chain sa Earnshaw St., Sampaloc, Manila. Behhh buti nga!

Noong Abril 28, nagpadala ng team si Torre, na kinabibilangan nina CMS Francis Edades, Pat.  Adrian Mayores at Pat. Efraim Padilla, at inaresto ang driver na si Glen Sequina Morang at helper na si Carlos Liboon. Inamin naman ni Morang na ang floor tiles ay na-off loaded sa bahay ni Maria Angelyn See sa Road 10 Bgy. 123, sa Tondo, Manila.

Habang andun pa sila sa lugar, dumating naman si See at iginiit na siya ang may-ari ng cargo. Subalit wala naman siyang ipinakitang dokumento para suportahan ang claim niya, ani Torre. Swak sa banga si Mam See. Mismooo!

Ayon kay Torre ang inventory ng cargo ay nagsasaad na nag-match ang description ng mga ito sa brand specifications na inorder ni Feliciano. Araguyyy! Ang sakit sa bangs nito.

Hayan, pulido naman ang trabaho ng CIDG at HPG. Bakit walang balak ang LaLaMove na linisin ang bakuran nila? Ewan ko ‘no? Ano kaya ang balak ni Action man Torre vs LaLaMove? ‘Wag kumurap mga kosa! Abangan!

LALAMOVE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
OSZAR »