Gordon posibleng ‘di lumaro sa Game 7
OKLAHOMA CITY, Philippines — Tiyak na makakaapekto sa laro ng Denver Nuggets ang pag-upo ni veteran forward Aaron Gordon sa pagsagupa nila sa Thunder sa Game 7 ng Western Conference semifinal series ngayon.
Ang kondisyon ni Gordon ay isang “game-time decision” dahil sa kanyang left hamstring strain na nalasap niya sa 119-107 panalo ng Nuggets sa Thunder sa Game 6.
“If Aaron can play, he will play,” sabi ni Denver interim coach David Adelman kay Gordon na nagtala ng mga averages na 14.5 points at 9.2 rebounds sa semis showdown ng Denver at OKC.
“AG is a soldier and we know he’s going to try and tough it out,” wika ni forward Peyton Watson kay Gordon na ang maiiwang trabaho sa Game 7 ay kanyang sasaluhin.
Si Nuggets star Nikola Jokic ang muling aasahan ni Adelman kontra sa Thunder sa kanyang mga averages na 36.5 points at 14.5 rebounds sa huling dalawang laro.
Ang mananalo sa duwelo ng Denver at Oklahoma City ang haharap sa Minnesota Timberwolves, sinibak ang Golden State Warriors sa semifinals, sa Western Conference finals.
- Latest