^

PSN Palaro

Brownlee kakasa sa FIBA Asia Cup

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Brownlee kakasa sa FIBA Asia Cup
Handa na si naturalized player Justin Brownlee na muling banderahan ang Gilas Pilipinas.
POC

MANILA, Philippines — Nakarekober na si Gilas Pilipinas naturalized player Justin Brownlee sa kanyang thumb injury kaya’t inaasahang kakasa ito sa 2025 FIBA Asia Cup na idaraos sa Agosto sa Jeddah, Saudi Arabia.

Kinumnpirma ni Gilas Pilipinas head coach Tim Cone na nasa magandang kundisyon na si Brownlee at kasalukuyang suma­salang sa workout sa Amerika.

“He sent me a video where he manipulated his thumb, to tell me that his thumb, he’s got a full range of motion,” ani Cone.

Nakatakdang dumating sa Manila si Brownlee sa mga susunod na linggo upang makasama ang Gilas Pilipinas sa training camp na gaganapin sa Inspire Sports Academy.

Sa ngayon, patuloy ang magagaan na workout ni Brownlee para masigurong nasa magandang kundis­yon na ito bago bumalik sa Pilipinas.

“He will probably be coming in the next couple of weeks. He is working out in the States and he is back to basketball activities. He should be good to go in late July,” ani Cone.

Nasa Group D ang Gilas Pilipinas kasama ang Chinese-Taipei, New Zealand at Iraq.

Unang makakalaban ng Pinoy cagers ang Chinese-Taipei sa Agosto 6 kasunod ang New Zealand sa Agosto 8 at Iraq sa Agosto 10.

Kailangan ng Gilas Pilipinas na manguna sa group stage para awtomatikong makahirit ng tiket sa quarterfinals.

Kaya naman kailangan ng Gilas Pilipinas ng pukpukang paghahanda bago ang torneo.

Nagtamo ng thumb injury si Brownlee sa finals ng PBA Commissioner’s Cup kung saan natalo ang Barangay Ginebra sa TNT sa series.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
OSZAR »