Dolly, mas priority na ang Hollywood!

Alam mo, Salve A., napakasarap ng pakiramdam kapag nalalagay sa international map ang ating mga kababayan na gumagawa ng pangalan sa iba’t ibang larangan. Isa na rito ang award-winning Filipino actress na si Dolly de Leon na patuloy ang pagkinang ng pangalan sa Hollywood matapos siyang mapasama sa Cannes Film Festival’s Palme d’Or winning movie ni Ruben Ostlund, ang Triangle of Sadness nung 2022.
Ang nasabing pelikula ay nagbigay kay Dolly ng Guldbagge award for Best Supporting Actress at Los Angeles Film Critics Association Award for Best Supporting Performance. Ito rin ang nagbigay sa kanya ng Best Actress nomination sa Golden Globe Awards and BAF Awards at tinawag siyang “one of the 31 most famous stars in the world” ng British Vogue.
Meron na rin siyang sariling agent who represents her in Hollywood.
Sa kasalukuyan ay may bagong Hollywood project siya, ang Prime Video/Hulu series na Nine Perfect Strangers na pinagbibidahan ni Nicole Kidman kasama sina Henry Golding, Annie Murphy, Christine Baranski, Lena Olin, Murry Bartlett, Liv Ullman, Maisie Richardson-Sellers at Aras Aydin.
Unang nakatrabaho si Nicole Kidman ng isa pang Filipino veteran and award-winning actress na si Ruby Ruiz sa series na Expats in 2022.
Sa kabila ng iba’t ibang projects niya sa Amerika, gumagawa pa rin siya ng mga proyekto sa Pilipinas.
In 2023, nagkaroon siya ng special guest appearance sa primetime hit series na Dirty Linen at nagsama sila ni Kathryn Bernardo sa hit black comedy movie na A Very Good Girl na pinamahalaan ni Petersen Vargas under Star Cinema.
A graduate ng Theater Arts sa University of the Philippines, nagsimula si Dolly sa teatro bago nito napasok ang mainstream movies kung saan din siya gumanap sa mga bit and supporting role bago siya tuluyang nabigyan ng meaty roles.
Kiray, atat pakasalan ng karelasyon!
Gusto ng non-showbiz fiancé ng actress-comedienne at entrepreneur na si Kiray Celis na si Stephan Estopia na this year sila magpakasal.
Although hindi na sila nagbabahagi ng petsa at lugar at iba pang detalye na may kinalaman sa kanilang kasal, inamin ni Kiray na kasama sa mga tatayong principal sponsors sina Gary Valenciano, Marian Rivera at AiAi de las Alas.
Kasama rin sa Bridemaids ang singer-actress na si Arci Muñoz habang kasama naman sa mga Groomsmen ang actor-entrepreneur na si Enchong Dee at best friend ni Kiray, ang content creator na si Christian Antolin.
A few days ago ay nag-propose na si Stephan.
Ang engaged couple ay mahigit limang taong naging magkasintahan bago nangyari ang proposal.
- Latest