^

Pang Movies

Anak nina Derek at Ellen na hindi pa nakikita ang fez, may endorsement

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Anak nina Derek at Ellen na hindi pa nakikita ang fez, may endorsement

Ibinahagi ng inactive actress na si Ellen Adarna sa social media ang bagong bonding activity nila ng anak na si Elias na nagpaantig ng puso sa kanyang ibang followers.

Si Elias ang panganay ni Ellen sa ex na si John Lloyd Cruz.

Kinakarga raw niya ang anak tuwing may pagkakataon na dino-document nila para pagdating ng araw, maalala nila ang masasayang sandali na ‘yun.

Pero naloka lang si Ellen sa sagot ng anak na naging emotional na.

“So we’ve got this new thing — I carry my sweet boy every chance I get, until the day I can’t anymore. He’s growing up so fast but for now, this 81lb not-so-littol boy still fits perfectly in my arms… and my heart’s holding on even tighter. We’ll be documenting it every now and then, just so we can look back someday and remember these sweet moments forever my baby you’ll be? #6yearsold

“Before Bedtime Convo

“Elias: “Mama, are you gonna leave your phone when you die?”

“Me: “Hala.. why man? You’ll have your own phone by then! Why are you thinking about me dying?”

“Elias: “So I can still watch our videos…” (with matching cry-cry)

“Me: “Ayaw ana, Bab! Dont say that! I’m not dying anytime soon! Mahubag hubagan man sad ta nimo”

“And just like that… Im emotionally unstable at 8:43pm (happy, sad, kuyawan, kulba… all them emotions) haaaay buhay with kids #rollercoasterofemotions the only #emotionalabuse i will tolerate”

Parang ang heavy na ni Elias sa nasabing video ni Ellen na masaya na sa pagiging ina sa dalawang anak, si Elias at ang daughter nila ni Derek Ramsay na hindi pa nila ipinapakita sa social media ang hitsura ng mukha na may endorsement na with Ellen.

May ilan siyang tinatanggap na endorsement pero parang wala na sa bokabularyo niya ang balikan ang career sa showbiz.

Maymay, paulit-ulit ang pasasalamat sa inang namatay

Nagluluksa si Maymay Entrata sa kasalukuyan.

Pumanaw na ang kanyang ina na kamakailan lang niya inaming nakikipaglaban sa sakit, cancer.

“Mahal kong Inay, Isang malaking karangalan na ikaw ang naging Inay ko. Matapang mong hinarap ang lahat ng pagsubok at sakrpisyo para maitaguyod kaming buong pamilya,” umpisa ng post ng Kapamilya singer / actress.

“Mamimiss kita Inay, mamimiss ko ang taong nagmahal at habang buhay mamahalin ako ng buo. Sayo ko natutunan ang mag mahal ng walang kapalit at habang buhay dala dala ko lahat ng natutunan ko mula sayo. Maraming salamat sa iniwan mong kayamanan Inay, Kayamanang hindi galing sa lupa pero kayamang galing sa pagmahahal ng walang katumbas. Mahal na mahal kita Inay ko at wala akong pinagsisihan sa lahat ng sakrpisyo kong makita ka lang maging masaya lagi. Hanggang sa muli nating pagkikita mahal kong Inay.

“Ps. Eto ang isa sa mga huli kong sinabi kay Inay bago siya pumanaw kaya hangga’t maaari, kasama n’yo pa ang mahal n’yo sa buhay.. yakapin nyo sila, iparamdam nyo kung gaano nyo sila kamahal, at huwag n’yong sayangin ang kahit isang araw na hindi ipinapakita po yon. Sapagkat darating ang araw na ang mga yakap ay alaala na lang, at ang mga salitang hindi nasabi ay magiging bigat sa puso. Huwag kayong maghintay ng huli bago magsimulang magmahal nang buo.”

Sa huling interview namin ay inamin niyang ang pag-aalaga sa kanyang ina at lolang may sakit ang dahilan kung bakit hindi siya masyadong aktibo sa career niya.

“Sa lahat ayokong mag-open up, ayoko ‘yung parang may awang... but I know it will help din para malaman n’yo kung saan ako nanggaling...

“‘Yung nanay ko matagal nang may cancer, almost two years na, kaya pabalik-balik ako sa Japan. Ngayon isa na lang sa pinakapinasasalamatan ko ay nakauwi siya two months ago. Everyday talagang nitake time ko na hangga’t maaari po ay andyan ako kasama ko siya. Kagabi lang sinugod na naman namin siya sa hospital,” hanggang hindi na napigilan ni Maymay ang kanyang pagluha.

“Well ngayon kaya sinabi ko na hindi ako ok, at hindi naman super ok andito lang ako (sa kalagitnaan). Kasi ‘yung time na hindi ako ok, nalampasan ko ‘yun sa tulong ng Panginoon. ‘Yung acceptance kumbaga at andito sa point hangga’t may oras ako na makapiling ko ang dalawang nanay ko gagawin ko. Palipat-lipat ako sa Japan... kung kailangang gawin, gagawin ko ulit ‘yun,” pahayag niya pa habang nagpupunas ng kanyang luha. “Sobrang mahal na mahal ko sila,” pahayag niya sa interview namin.

Andami naman kagad nagpadala ng mensahe ng pakikiramay sa Amakabogera singer.

Christophe Sommereux, nilabas na lahat ng sinulat na kanta

Wow finally, ipinakilala ng ABS-CBN record label na StarPop ang kanilang bagong artist na si Christophe Sommereux na naglabas ng kanyang self-titled debut album.

Ibinahagi ng anak nina Gladys Reyes at Christopher Roxas ang excitement niya para sa kanyang album at pagsisimula ng journey niya bilang recording artist.

“I’m incredibly grateful and excited to be a part of this family and I’m really excited to share my music to the world. I know this won’t be easy but I’m ready to traverse this diverse, challenging, and unpredictable landscape of the OPM industry,” saad ni Christophe sa kanyang Instagram post.

Hatid ng alternative rock album ang iba’t ibang emosyon tulad ng saya, lungkot, at pananabik na dala ng pag-ibig.

 Tampok dito ang ilan sa orihinal na komposisyon ni Christophe na Take Care, Sira, Abot Bituin, at tatlong bagong awitin tulad ng Sine Basta Ika’y Nariyan, at Aren’t You Ready.

Nagsilbing executive producers nito sina StarPop label head Roque “Rox” Santos at ABS-CBN Music creatives, content, and operations head Jonathan Manalo.

Sa key track na Sine, na iprinodyus at inareglo ni Gabriel Tagadtad, ikinuwento ni Christophe ang perfect movie date na swak para sa taong iniibig.

Nagsimula si Christophe na sumulat ng kanyang sariling mga awitin sa edad na 15. Hilig niya ang genres na pop, rock, at alternative at musical influences niya ang iconic bands tulad ng The Beatles, Queen, at Guns N’ Roses.

Noong 2022, naging bahagi siya ng Summer Blast concert sa Philippine Arena kung saan nag-perform siya sa harap ng mahigit 50,000 na tao at nakasama niya ang iba’t ibang artists tulad ng BINI, Gloc-9, at December Avenue.

Available ang debut album ni Christophe na napapakinggan sa iba’t ibang streaming platforms. 

ELLEN ADARNA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
OSZAR »