Bong, tutuluyan ng demanda ang mga troll nung kampanya

Sa totoo lang, pabor ako sa naisip ni Bong Revilla na kasuhan ng cybel libel ang mga walang ginawa noong kampanya kundi siraan siya para hindi talaga manalo.
Sa totoo lang, hindi ko kinaya ang ibang video na pinapapanood sa akin ni Salve ng mga nanira kay Bong.
Lalo na ‘yung isang Tiktoker na parang malaki ang kinita para siraan ang ilang kandidato tulad ni Bong at ni now Senator Camille Villar.
Kakaloka siya, kalalaking tao pero wagas kung manira.
Parang familiar ang hitsura pero hindi ko muna sasabihin ang pangalan. Hahayaan kong gulatin siya ng demanda ng kampo ni Bong.
Sa totoo lang, ba’t kaya may mga ganung tao, ‘yung career ang paninira?
Parang walang konsensiya na nagka-datung sa paninira.
Hay iba na talaga ang buhay ngayon dahil sa social media.
Kaya ako, walang sampalataya sa digital media na ewan ko ba naman kung ba’t pinainiwalaan ng mga ibang tao kahit fake news ang ikinakalat.
Kaya talagang susuportahan ko si Bong dahil walang duda na itutuloy niya binabalak na demanda.
Loyalista ako ng print media at walang puwang sa akin ang mga balita sa social media dahil sa pagbabasa ng diyaryo, mahilig din akong manood ng news programs.
Yes, kabilang ako sa kumakapit para hindi tuluyang mawala ang diyaryo na araw-araw kong binabasa at mawala sa eksena ang telebisyon.
Si Atty. Raymund Fortun ang abogado ni Bong kaya dama kong maipapanalo niya ito.
Nice move, Bong.
- Latest