^

Pang Movies

Sikat na content creator na si Jeraldine Blackman, dumaranas ng health scare  

Pang-masa

MANILA, Philippines — Ibinahagi ng Pinay content creator na ­Je­raldine Blackman ng Blackman Family ang tungkol sa pinagdaraanan niyang health issue sa kasalukuyan.

Sa isang post kamakailan, ikinuwento nitong pagkatapos daw ng operasyon niya ay sinabi raw ng kanyang gastroenterologist na may nakita raw na 15 polyps sa kanyang colon at tinanggal iyon.

Aniya, “He removed them and sent them for biopsy. We don’t know what is going on yet but we are hoping everything will be okay!”

Ayon sa www.cancer.org.au, “A polyp is a projecting growth of tissue from a surface in the body, usually a mucous membrane.”

Maaari raw magkaroon nito sa mga bahagi ng katawan gaya ng colon at rectum, ear canal, at cervix.

Ibinahagi rin ni Jeraldine sa isa pang post na meron daw siyang kondisyon na tinatawag na left ventricular septal aneurysm.

Meron daw siyang aneurysm sa puso at nalaman lamang daw niya ang tungkol doon noong June 2022.

Bago raw ang diagnosis, nakaramdam daw siya ng pananakit ng dibdib na hindi pa raw niya naranasan bago noong May 2022.

Kaya agad daw siya noong pumunta sa local emergency para dumaan sa mga pagsusuri.

Normal pa raw ang kanyang ECG at blood test pero matapos ang tatlong araw ay nahimatay siya habang naglalaba sa kanilang bahay. Doon ay tinakbo siya ng mister na si Josh pero sa ibang ospital na.

Habang nasa triage raw sila ay hinimatay na naman siya at inobserbahan buong araw. Pero nang pauwi na sila ay tinawagan siya ng isa sa emergency doctors at sinabing merong nakita sa kanyang ECG na left bundle branch block at pinabalik siya sa ospital.

Doon na raw nakita na meron siyang 3.8 cm aneurysm sa kanyang left ventricle.

Sa loob daw ng tatlong taon ay may mga gamot siya para makontrol ang mga sintomas pero tinigil na nila dahil stable na siya.

Bukod pa sa kanyang cardiac issue, marami pa raw siyang gastrointestinal issues sa kasalukuyan kaya maingat siya sa kanyang mga kinakain.

Makikita nga raw sa kanyang vlogs na laging decaf ang iniinom niyang kape at istrikto ang kanyang gluten-free diet.

Pero umaasa siya na pagagalingin siya ng Panginoon.

Kaya paalala niya sa lahat “Hope you guys stay healthy because HEALTH IS WEALTH!!”

HEALTH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
OSZAR »