Male singer, laging may takot sapawan!
Laging may kondisyon ang isang male singer kapag kinukuha siya sa mga show na marami silang performers!
Ayaw ng singer na matatabunan siya ng ibang performers. Dapat siya ang pambungad na performer para mataas ang energy ng event o show na invited siya!
Magaling ang singer kaya confident na kahit walang masyadong hit songs eh magugustuhan ng tao ang kanyang performance!
Para wala na lang problema, pinagbibigyan siya ng event organizer dahil daig pa ng male singer ang isang babae kung maka-demand ng kanyang kondisyon, huh!
‘Yan palagi ang kondisyon ng male singer dahil kung hindi susundin eh huwag na siyang kunin! Suplado, ‘di ba?
Eat Bulaga, ibabalik ang mga dating contestant!
Anniversary month ng Eat Bulaga next month, July.
Kaya naman nais nilang makasama ang nanalo sa kanilang contests gaya ng Mr. Pogi, Mr. Macho Man at ibang contests para lumahok sa Gimme 5 contest. Of course, para na rin malaman ang mga update sa kanila na minsan na ring naging bahagi ng programa.
Honored siyempre ang mga winner ng contest dahil nabibigyan pa rin siya ng halaga ng Bulaga kahit matagal na silang wala sa programa.
Exciting anniversary month muli sa longest running noontime show, Eat Bulaga!
- Latest