^

Pang Movies

Miss Universe Philippines Cebu, napagkamalang naanakan ni Tom!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Itinanggi ni Miss Universe Philippines Cebu Province na si Chella Grace Falconer na siya ang ina ng baby boy ni Tom Rodriguez.

Sabi ni Chella, “Hi everyone! Just to clarify, I’m not Tom Rodriguez’s girl, so please let’s stop spreading rumors.”

Kaya inisip na ang beauty queen ang mom ni Baby Korben dahil sabay sila ng aktor na nag-post ng kanilang baby.

Ang kaibahan lang ng post ni Tom, kasama ang partner niya, kaya akala ng netizens, siya ang girl na nakatalikod.

Pero, marami rin ang naniwala sa kanya at inilatag ng netizens ang kanilang obserbasyon. Matangkad at slim daw ito, samantalang ang partner ni Tom ay hindi. Pinansin din na may tattoo sa kanyang left arm ang partner ni Tom eh wala namang tattoo si Chella.

Isa pang inilatag na ebidensya, Trevor ang pangalan ng baby boy ni Chella at Korben naman ang   baby nila Tom. Saka, 2024 pa nanganak si Chella at may anak na raw ito nang sumali sa 2025 Miss Universe Philippines, pero umatras din.

Dahil may nadamay raw na ibang tao, kinukumbinse ng netizens si Tom na ipakilala na niya ang kanyang girlfriend. Tutal naman, inilabas na ng netizens ang mga larawan ng mom ng kanyang anak na nakuha sa social media.

Rabin Angeles, bumubulusok ang career

Tsinek namin ang Instagram ni Rabin Angeles, ang Viva Artists Agency talent na pinagkakaguluhan ngayon at sa rami ng followers nito sa IG, mukha ngang siya ang next VAA talent na magiging matinee idol.

Ang bilis niyang nagkaroon ng 1.9 million followers, naunahan pa niya ang ibang young stars na mas nauna sa kanya.

Sa mediacon ng Seducing Drake Palma na launching niya at ng ka-love team na si Angela Muji, walang tigil ang sigawan ng fans na inimbita sa nasabing mediacon.

Mas lalo pa siyang sisikat, kapag nagkasunud-sunod na ang project niya sa Viva at siguro naman, hindi siya pababayaan ng mga Del Rosario. Pang-matinee idol ang datingan niya at hindi ‘yun sasayangin ng VAA.

Kuwento niya, sobra siyang kinabahan nang malamang ilu-launch siya sa Seducing Drake Palma.

Samantala, sa June 15 na ang simula ng streaming ng Wattpad sensation sa Viva One. May 16 episodes ito, maraming kilig scenes at panigurado ni Director Crisanto Aquino, hindi mabibitin ang fans. Mula ito sa panulat ni Ariesa Jane Domingo under her pen name Beeyotch at may 120 million reads na at the moment.

Xyriel, bida sa Wish…

Matindi pa rin ang network war ng Kapamilya at Kapuso fans kahit nagko-collab na ang ABS-CBN at GMA Network. Example na lang itong guesting ni Xyriel Manabat sa Wish Ko Lang.

Inalmahan ng Kapuso fans ang comment ng Kapamilya fans na may legit na aktres daw na mapapanood sa GMA at sa program na hino-host ni Vicky Morales. Marami raw magagaling na Kapuso actors, hindi lang alam ng Kapamilya fans dahil hindi naman sila nanonood.

Anyway, Rabies ang title ng episode sa WKL na tatampukan ni Xyriel.

CHELLA GRACE FALCONER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
OSZAR »