^

Pang Movies

Female celeb, nagmarka sa limang pirasong mangga!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Nakakatawa ang kuwento ng isang colleague tungkol sa isang event na pinuntahan nila sa isang nearby province through the invitation of a female celebrity na meron ding koneksyon sa showbiz.

Maayos naman ang treatment sa kanila dahil meron silang sasakyang ginamit. Pinakain din sila bago makarating sa location.

Bago matapos ang interbyu, may isang basket na ibinigay sa bawat isa sa kanila. Eh cellophane ang nakatakip sa ibinigay na prutas, huh!

Mga limang piraso pala ng mangga ‘yun. Tumaas ang kilay nila na paisip na sinasabing, “bumiyahe tayo. Tapos, heto lang?” sabi ng friend namin sabay offer na kainin na lang nila ang mangga!

Nagtawanan na lang ang lahat ng invited at inaliw na lang nila ang kanilang sarili!

Kaya kapag nakikita nila ang female celeb, nagtatawanan sila ng mga nakasama at inaalala ang limang piraso ng ­mangga! Bow!

Bagets Musical, magpapa-audition!

Ramdam pa rin ang puso sa ‘80s iconic movie na Bagets na isasalin sa stage – Bagets: The Musical!

Sa pelikulang Bagets sumikat sina Aga Muhlach, William Martinez, Raymond Lauchengco at retired nang si JC Bonnin.

Sa pelikula ring ito nakilala sina Eula Valdez, Yayo Aguila, at Jobelle Salvador.

Ngayon ang iconic Filipino coming of age film ay collaboration ng Viva Communications, Inc., The Philippine STAR Group of Publications, PETA at Newport World Resorts.

Magkakaroon ng auditions para makasali sa musical at sa first quarter ng 2026 ito mapapanood sa NWR.

MANGO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
OSZAR »