^

Pang Movies

Roi, tinuruang makisama ang aktor na anak!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Proud dad si Roi Vinzon sa anak na si Anton Vinzon dahil kahit hindi niya i-push, may sarili itong career na umaabante.

Hindi raw niya tinuturuan ang anak kung paano umarte, kaya nagulat siya tuwing napapanood sa nagtapos na Mga Batang Riles dahil marunong umarte.

Ang itinuro at lagi niyang ipinaaalala kay Anton ay kung paano ang tamang pakikisama sa co-stars, lalo na sa veteran stars.

Naalala namin, nabanggit din ni Anton na sa dad niya nakuha ang pagiging marespeto sa kasama sa trabaho, lalo na sa veteran stars. ‘Wag daw kalilimutan na batiin ang mga kasama, maliit o big star man, lalo na ang older sa kanya.

Masayang ibinalita ni Roi na may kasunod ng project sa GMA si Anton at big star daw ang makakasama. Ayaw nitong mag-spoiler, kaya hindi sinabi kung sinong big star ang makakasama ng anak.

Anyway, si Roi ay mapapanood sa Sanggang Dikit FR na premiere na this Monday, 8:50 p.m. Gagampanan niya ang role ni Juaquin Guerrero at makalalaban ni Al Tantay. Nagustuhan niya ang series dahil comedy-drama-action ito, matatawa, maiiyak at magugulat sa action scenes ang viewers.

Paul at Mikee, tuloy pa rin ang pelikulang ginagawa!

Dedicated ni Mikee Quintos sa the late maternal grandmother niya ang pag-graduate niya ng Architecture sa University of Santo Tomas.

Pinost ng Kapuso aktres ang photo nila ng kanyang lola na “Nanay” ang kanyang tawag at sabi, “Para sa’yo ito ‘Nay.”

Nanghinayang ang aktres na hindi naabutan ng lola niya ang kanyang graduation, pero alam nito na masaya ang lola niya na finally, after 10 years, graduate na rin siya.

Masaya rin ang parents ni Mikee na nagtapos na ang pangatlo sa third daughter nila, nakakatuwa ang mom ng aktres na si Jo Quintos sa nabanggit na tapos na ang pagbabayad nila ng tuition sa kanilang mga anak. Tila kasabay ni Mikee na nag-graduate ang bunso nila, naabutan at nasabayan pa siya.

Ang ibang fans naman, ikinokonek sa Sang’gre ang pagga-graduate niya. Umalis daw pala muna siya sa Encantadia para mag-aral at ngayong graduate na siya, balik-Encantadia na siya. Tama naman dahil kasama pa rin ang aktres sa Sang’gre bilang si Lira. Muli silang mapapanood ni Kate Valdez bilang magpinsang Lira at Mira na mga pasaway na diwani.

Nalungkot lang ang fans nina Mikee at Paul Salas dahil break na ang dalawa at wala na sa eksena ang aktor.

Na-miss nila na tuwing special occasion nila, laging present ang bawat isa, ngayon, ang pamilya na ang kasama ni Mikee.

Nabanggit ni Mikee na kahit break na sila, tuloy pa rin ang pelikula nila na may two days shooting pa.

Queer dating reality show ng AllTV, kinasabikan

May queer dating reality show pala ang AllTV owned by Manny Villar and his family.

Sparks Camp ang title ng show to premiere on June 28, 7:15 p.m., at airing Saturday and Sunday.

Ramdam ang excitement ng mga accla at kahit una itong umere sa YouTube, gusto pa rin nilang mapanood at masubaybayan ang first queer dating reality show ng bansa.

Ang Sparks Camp ang makakatapat ng Idol Kids ng Kapamilya channel at Stars On The Floor ng GMA 7. At least, iba-iba ang concept ng three shows na sabay ang airing.

GMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
OSZAR »