^

PM Sports

Lady Bulldogs, Lady Spikers bakbakan agad sa Game 1

Nilda Moreno - Pang-masa
Lady Bulldogs, Lady Spikers bakbakan agad sa Game 1
Shevana Maria Nicola Laput ng La Salle, Alyssa Solomon ng NU

MANILA, Philippines — Muling maghaharap sa finals sa pangatlong pagkakataon ang defending champion National University at De La Salle University sa UAAP Season 87 women’s volleyball tournament.

Magsisimula ang Game 1 ng best-of-three finals sa pagitan ng Lady Bulldogs at Lady Spikers sa alas-5 ng hapon na lalaruin sa makasaysayang The Big Dome sa Quezon City.

Nilapa ng Lady Bulldogs ang Lady Spikers noong una silang magharap sa finals sa UAAP Season 84 (2022) kaya natuldukan nila ang 65 taon na pagka-uhaw sa kampeonato.

Bumawi naman ang Taft-based squad sa Season 85 (2023), kinadena nila ang NU para biguin sa asam na back-to-back champion.

Naka­raang taon ay nabigo ang DLSU na makapasok sa championship round nang patalsi­kin sila ng University of Santo Tomas sa se­­mifinals.

Kaya ngayon ang pagkakataon ng La Sal­le at NU na kumalas sa 1-1 head-to-head match na pag­kakabuhol sa finals.

Pa­kay ng Lady Spikers na panain ang pang 13th championship pero alam ni head coach Ramil De Jesus na hindi magiging madali, kailangan nilang ibigay ang lahat ng lakas para makuha ang minimithing korona.

“Kilala naman natin yung NU. Talagang since high school, magkakasama na yung mga yan. And then, talagang sobrang lalim nung experience nila sa isa’t isa,” ani De Jesus.

Naniniwala naman si De Jesus sa kakayahan ng kanyang mga bataan, kontento ito sa ipinakitang laro ng Lady Spikers sa Final Four nang patalsikin nila ang University of Sto. Tomas.

Sasandalan ni De Jesus sina Rookie-MVP Angel Canino, Amie Provido, Shevana Maria Nicola Laput, Alleiah Jan Malaluan at rookie playmaker Mikole Reyes.

Determinado si two-time MVP Mhicaela Bella Belen na makuha ang korona sa kanyang huling season, kaya makikipagtulungan ito kina Alyssa Jae Solomon, Evangeline Alinsug at Erin May Pangilinan.  

UAAP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->
OSZAR »