^

PM Sports

River South, jockey Estorque bumida sa 3-YO Maiden Race

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nakitaan ng husay sa pagdadala ng kabayo si jockey Jomer Estorque matapos ipanalo ang River South sa naganap na 3-Year-Old & Above Maiden Race (Placers) na nilarga sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City sa Batangas noong Linggo ng hapon.

Hindi minadali ni Estorque ang River South sa largahan, ipinuwesto nito ang kabayo sa pangatlo sa hulihan habang nagbabanatan sa unahan ang mabibilis na Thy Will Be Done at Ms Pinkerton habang nasa likuran nila ang terserong Marvin’s Pride.

Papalapit ng far turn ay nasa unahan pa rin ang Thy Will Be Done, pangalawa ang Ms Pinkerton pero kumakapit na ang River South.

Kaya naman habang patungong home turn ay naagaw na ng River South ang bandera sa Thy Will Be Done.

Pagdating ng rektahan ay nasa tatlong kabayo na ang lamang ng River South nang biglang rumemate ang Marvin’s Pride at dumikit ng bahagya.

Subalit hindi nagpabaya si Estorque, ginamitan niya ng latigo ang River South upang manatili sa unahan tungo sa panalo.

METRO TURF

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
OSZAR »