Gilas sesentro sa pagbuo ng chemistry
MANILA, Philippines — Nais ni Gilas Pilipinas head coach Tim Cone na makabuo agad ng chemistry ang kanyang tropa para sa FIBA Asia Cup na gaganapin sa Agosto sa Jeddah, Saudi Arabia.
Mas importante para kay Cone ang training camp kesa friendly games bilang bahagi ng paghahanda nito sa Asia Cup.
Nakatakdang makasagupa ng Gilas Pilipinas ang Macau Black Bears sa isang tuneup game bago tumulak sa Jeddah.
“The practices are more important than the friendlies. The friendlies to me are really for the fans,” ani Cone.
Bukod sa tuneup games, kailangan din ng tropa nito ng pukpukang ensayo nang magkakasama para masigurong handang-handa ito para sa FIBA Asia Cup.
“I think we kinda got away from it in our last trip to the Middle East and down to New Zealand. We weren’t as tight as we needed to be because we didn’t have any practice time before that,” ani Cone sa programang Power and Play.
Nais ni Cone na mapanatiling fresh ang katawan ng Gilas kaya’t mas nanaisin nitong mas maging maganda ang training camp.
Matatandaan sumalang sa 2nd Dubai Invitational tournament ang Gilas noong Enero bilang bahagi ng paghahanda para sa FIBA Asia Cup 2025 qualifiers.
Natalo ang Gilas sa lahat ng tatlong laro nito sa Dubai tournament.
At nang makaharap na ng Gilas ang mga kalaban nito sa FIBA Asia Cup qualifiers, natalo rin ito laban sa Chinese-Taipei at New Zealand.
Iginiit ni Cone na kailangang makabuo ng chemistry ang Gilas dahil galing ang mga players nito sa magkakaibang teams.
- Latest