Duterte gustong umuwi, manunumpa bilang mayor

MANILA, Philippines — Nais ni dating Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na kasalukuyang nakakulong sa The Hague, Netherlands na makauwi sa Pilipinas upang manumpa bilang halal na mayor ng Davao City.
Nabatid na nakikipagpulong na ang dating Pangulo sa kanyang mga abogado kung paano siyang makakapanumpa sa tungkulin bilang alkalde ng Davao City.
Ayon kay Vice President Sara Duterte, ito ang napag-usapan nilang mag-ama matapos siyang bumisita sa ama sa loob ng bilangguan sa The Hague. Ang hiling lamang aniya ng dating Pangulo ay palayain siya dahil gusto niyang manumpa sa tungkulin.
“We talked about his oath and he said he will discuss it with his lawyers on how to take his oath but initially, he told me, ‘I want... Set me free and I will take an oath,” sinabi pa ni VP Sara.
“His (former president Duterte) message is -- ”We are all ruled by destiny and I am here because of my destiny, whether rightly or wrongly,” ayon pa kay VP Sara.
- Latest