Paslit, lolo dedo sa lunod
MANILA, Philippines — Dalawa katao kabilang ang Isang 3-anyos na batang lalaki at isang 75-anyos lolo ang nasawi sa magkakahiwalay na insidente nang pagkalunod sa lalawigan Cebu nitong Sabado.
Sa ulat ng Cebu Police, alas-8:00 ng umaga ng malunod ang 3-anyos si Junjun sa Brgy. Cambang-ug, Toledo City nang ito ay tumakas sa kanilang bahay at naligo sa ilog at nalunod.
Nagawa pang masaklolohan ng ilan nilang kapitbahay ang biktima, subalit idineklarang dead-on-arrival sa Toledo City General Hospital.
Ang ikalawang nasawi ay si Dionisio Lapitan, magsasaka matapos itong malunod sa isang ilog sa Brgy. Alpaco, Naga City, Cebu.
Sa teorya ng mga otoridad posibleng tinangay ng malakas na agos ang matanda nang rumagasa ang baha hanggang sa malunod ito.
- Latest