Rodriguez ginawaran bilang Queen Tourism at Achievers award
MANILA, Philippines — Ginawaran ng parangal ng The Asia-Pacific Topnotch Men and Women Achievers 2025 ang kilalang businesswoman/philanthropist na si Virginia Rodriguez bilang Queen Tourism at Woman Achiever award dahil sa kanyang mga contribution sa pagpapaunlad ng economy ng bansa at pagtulong sa mga mahihirap na pamilya. Ang event ay ginanap nitong nakaraang Sabado sa Teatrino Promenade sa Green hills, San Juan City, kung saan ginawaran din ang ilan pang mga kababaihan at mga lalake na nagbigay ng kanilang mga role sa pagpapaunlad tulad ng singing, medisina, education, infrastructure at iba pa.
Bukod sa Asia-Pacific Topnotch award, pinarangalan din si Ms. Rodriguez ng Amerika Prestige Awards bilang Outstanding Filipino Woman Leader para sa taong ito, na binibigyang-diin ang kanyang pambihirang pamumuno, makabagong pag-iisip, modern techniques at malaking kontribusyon sa sektor ng agrikultura at edukasyon sa Pilipinas.
Sa kanyang talumpati, isinaad ni Ms. Rodriguez na ipagpapatuloy niya ang kanyang adbokasiya na walang magugutom na Pilipino para tulungan ang mga maliliit na magsasaka, at magkaroon ng mga free training at mga seminars ang bawat Pilipino na magkaroon ng maraming trabaho at pangkabuhayan programs.
- Latest