Ang grape juice na pangsimbahan
Ang Welch’s Grape Juice ay inimbento noong 1869 ni Dr. Thomas Welch, isang British na doktor, dentista at Methodist minister sa Vineland, New Jersey. Nagsimula lang ito bilang kahalili sa alak na ginagamit sa simbahan.
Bilang ministro, sinusuportahan niya ang pagbabawal ng kanilang simbahan na gumawa, magbenta at bumili ng nakakalasing na inumin. Sa ganitong punto, dapat ay hindi rin gumagamit ng alak sa komunyon tuwing church service.
Naisip niyang grape juice ang ipainom sa mga nagkokomunyon. Palibhasa ay maraming ubas sa kanilang lugar kaya siya mismo ang nagkakatas nito ilang oras bago mag-umpisa ang church service.
Hindi siya makapagkatas ng advance dahil nagpe-ferment ang juice at kapag dumaan sa fermentation, ito ay nagiging alak.
Medyo nakakapagod ang kanyang ginagawa kaya’t ginamitan niya ng pasteurization method ang paggawa niya ng grape juice. Nakatulong ito para magtagal ang shelf-life ng juice.
Nang magtagal ay sa kanya na bumibili ang ibang simbahan para gamitin sa komunyon.
Nagkaroon ng opisyal na pangalan ang juice noong 1893 – Welch’s Grape Juice. Sa kasalukuyan, bukod sa juice ay gumagawa na rin sila ng jelly at jam mula sa dark Concord grapes.
- Latest