^

Punto Mo

‘Bigas’ (Part 9)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

GULAT na gulat ako nang malaman na ang estudyanteng nalaglagan ng panyo ay kaklase ko pala. First semester noon at nasa fourth year na ako ng Commerce.

At ang maganda pa, magkatabi kami sa upuan.

“Hi,” sabi ko sa babae nang nakaupo na kami.

“Hello!’’ sagot ng babae.

“Magkaklase pala tayo,” sabi ko.

“Oo nga. Salamat uli sa pagkakapulot mo sa panyo ko. Hindi ko talaga napansin kanina. Nagmamadali kasi ako sa paglalakad.”

“Wala yun. Siyanga pala, ako si Noel.”

“Ako naman si Katrina.”

“Bakit ngayon lang tayo naging magkaklase Katrina?’’

“Oo nga. Hindi ko alam, Noel. O baka naman hindi lang natin napapansin ang isa’t isa. Baka nakasubsob tayo sa pag-aaral.”

“Baka nga. Kung hindi pa nalaglag ang panyo ko e hindi tayo magpapansinan.”

“Salamat at nakilala kita Katrina.”

“Ako rin Noel.”

Hanggang dumating ang propesor namin at nagsimulang mag-lecture. Matalino si Katrina sapagkat nakasagot agad sa tanong  ng propesor.

Nang mag-uwian kami ng tanghali ay magkasabay kami ng lumabas sa gate. Masaya ako habang naglalakad kami. Magaan agad ang loob ko kay Katrina. (Itutuloy)

RICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
OSZAR »