^

Punto Mo

Florcerfida (47)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“SI Daniel ay malayo kong pinsan. Hindi ko nga akalain na sa Saudi kami magkikita. Hindi ko alam na dun din pala sa kompanya natin siya nagtatrabaho. Nagkagulatan pa kami,’’ pagkukuwento ni Makoy.

“Ibig mong sabihin, mas nauna ka kay Daniel na nakapasok sa kompanya?”

“Oo—malaki ang kaunahan ko.”

“First job niya?”

“Hindi. Marami nang naging trabaho si Daniel. Nakailang balik na siya sa Jeddah at Riyadh. Pinakahuli sa Jubail. Paiba-iba siya ng kompanya.”

“Bakit ganun?”

“Balisawsawin sa trabaho ang pinsan kong ‘yun—kapag hindi nagustuhan ang trabaho, nagre-resign. Hindi siya tumatagal. At gusto niya, kumita ng pera sa ­madaling paraan— ‘yung bang hindi na paghihirapan.”

“Parang sa sugal?”

“Oo—kaya nabaon siya sa sugal. Ang suweldo naipatalo sa sugal. Kasi ang katwiran kapag nanalo ang taya niya—malaki ang balik. Kaso, natatalo.”

“Paano siya nasama sa grupo ni Florenz?”

“Siyempre sugarol kaya alam niya ang kilos ng katawan ni Florenz—bumarkada siya at nakisosyo sa Thai lottery.”

“Pero sa dakong huli nasangkot siya sa krimen.”

“Oo. Pero sa kanilang apat—siya ang less guilty.” (Itutuloy)

FLORCERFIDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
OSZAR »