^

Punto Mo

Lalaki sa Canada, tatlong beses na sunud-sunod nanalo sa Lotto matapos maka-survive sa cancer!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

HINDI makapaniwala ang marami sa sunud-sunod na suwerte ng isang Canadian cancer survivor matapos siyang manalo ng tatlong beses sa lotto sa loob lang ng siyam na buwan, na umabot sa kabuuang premyong higit $2.5 million (humigit-kumulang P156 milyon).

Si David Serkin mula Lethbridge, Alberta, ay tumama ng $1 million sa Lotto 6/49 Classic draw noong May 3, matapos ang nauna niyang panalo na $500,000 sa Lotto Max noong August 20, 2024 at isa pang $1 million sa Lotto 6/49 noong November 16, 2024 ayon sa Western Canada Lottery Corporation (WCLC).

Aminado si Serkin na napakababa ng tsansang mangyari ito, isa sa mahigit 33 million ang posibilidad, ngunit regular siyang bumibili ng lotto ticket simula 1982. “Alam kong sobrang liit ng tsansa, pero nag-eenjoy akong bumili at mag-check ng ticket dahil wala namang masamang umasa” kuwento ni Serkin. Aniya, bumibili siya ng tiket tuwing nagpapagasolina, at kapag hindi pinalad, susubok lang ulit.

Maliban sa mga bagong panalo, napanalunan na rin ni Serkin ang $250,000 mahigit sampung taon na ang nakalipas. Dagdag pa niya, “Isa akong cancer survivor at retirado na, kaya talagang nagpapasalamat ako sa lahat ng ito.”

Sa kabila ng sunud-sunod na tagumpay, nananatiling ma­pagkumbaba si Serkin at sina­bing “hindi na ito siguro mauulit,” pero masaya na siyang patuloy na sumubok ng suwerte.

LOTTO

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
OSZAR »