Janine, binitbit si Echo sa puntod ni Nora

Nagpapasalamat si Lotlot de Leon sa fans na araw-araw ay binibisita ang puntod ng yumaong inang si Superstar and National Artist Nora Aunor.
Ibinahagi ni Lotlot sa kanyang Facebook account na bumisita sila ng kanyang pamilya sa puntod ni Ate Guy sa Libingan ng mga Bayani. They even posed for a picture sa tabi ng libingan ng Superstar.
Sa larawan ay makikita si Lotlot kasama ang kanyang mga anak. Naroroon of course si Janine Gutierrez kasama naman ang kanyang boyfriend na si Jericho Rosales.
Sa caption ay nagpasalamat si Lotlot sa fans na araw-araw bumibisita sa puntod at nag-aalay ng bulaklak at kandila
“Two days ago we visited mom with her apo’s, and echo and my brother kiko.. maayos na yung lugar where moms at.??
“At araw-araw marami pa din bumibisita sa kanya,” sey ni Lotlot.
“There are times I wait in the car when I visit her pag maraming tao.. and I see how they pay their respects to mom. Salamat sa pagmamahal nyo sa kanya.??
“Thank you sa inyo na dumadalaw at lage kayo may dalang bagong kandila at bulaklak para kay mommy. I’m sure she’s smiling from up above and masaya sya..thank you for always praying for her too,” pahayag ni Lotlot. ??
“Gusto ko din mag thank you sa mga officers and staff ??
ng LNMB for their assistance all the time. ??
“Maayos na yung place ng mommy.. sobrang linis at ganda. I’m really grateful sa malasakit nyo. Mula sa aking puso, ??
“Mahal ko kayo at maraming salamat..” saad pa ni Lotlot.
- Latest