Misis ni Sen. Jinggoy, nagpa-stress sa mabahong ipis

‘Kaloka naman ang naranasan daw ng misis ni Sen. Jinggoy Estrada na si Precy Ejercito sa isang sikat na hotel sa Boracay.
Sa post niya ay sobrang dismayado raw siya sa mga naranasan sa kanilang bakasyon.
Aniya ay may malaki at mabahong ipis sa bathtub. At ang amoy raw ng ipis ay naaamoy sa buong kwarto.
Pumunta daw siya roon para mag-relax, hindi para ma-stress ng dalawang araw.
Nagkaroon pa raw ng issue ang water closet niya. Maayos pa raw iyon nung unang araw pero mabaho nga raw dahil sa amoy ng ipis.
May dumating daw na staff member para ayusin ang toilet pero aksidente raw itong nasira kaya tuluy-tuloy ang pag-flush at hindi raw magamit.
Nakaka-frustrate at careless nga raw na pagkakamali.
At bukod pa raw roon, na-compromise pa raw ang privacy niya dahil sa rami ng mga staff member sa labas-pasok sa villa nila.
Kulang daw ang mga ito sa respeto sa privacy at comfort ng mga guest nila.
Naloka rin siya sa housekeeping at dismayado rin siya sa cleanliness ng lugar.
Kaya sobrang nagagalit daw siya dahil sa lebel ng serbisyo na natanggap niya.
Kaloka naman ang mga ganitong pangyayari. Buti na lang at hindi na ako nagbabakasyon or else kung mararanasan ko ito, lilipat talaga ako ng hotel.
Teka ba’t ba hindi sila lumipat ng hotel o kahit room na lang para hindi siya na-stress?
Pwede namang i-request ‘yun kung talagang may problema sa room nila.
Pero hindi ako si Precy kaya hanggang opinyon lang me.
Ayokong makisawsaw pa more.
- Latest