^

Pang Movies

Korina naka-apat na stem cell na, pahinga muna sa Face to Face

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa

Ang saya ng chikahan namin kay Miss Korina Sanchez kahapon.

Ang dami niyang naipong kuwento.

Tulad ng dumanas din pala ng panic attack.

‘Yung masaya niyang mga kuwento sa Roma nung mag-cover siya sa pagpanaw ni Pope Francis at ang installation ni Pope Leo XIV (Cardinal Robert Prevost). Dagdag pa niyang kuwento na ang kababayan nating si Cardinal Luis Antonio Tagle ang inasahan talaga ng lahat na susunod na Pope.

Ganundin ang behind the story ng trending photo nila ni Jessica Soho.

Maging kung ilang food supplement ang iniinom niya everyday at kung paano siya nag-mellow sa trabaho. Like ilan nga bang food supplement ang iniinom niya daily? Na medyo kinagulat namin dahil almost 60 pieces pala na iniinom niya “upon waking up, after breakfast, before lunch, after lunch, middle of the day, before dinner, after dinner, before bedtime.”

Mga ilang pieces ‘yun? Nabibilang mo ‘yun kung ilan a day? “Kasi ilan ‘yun times 10? Mga 60,” sagot niya sa amin over lunch.

60 pieces a day? Gaano kalalaki ‘yun? “Ganito (sabay demonstrate niya ng laki).”

At para iwas choking daw, hindi niya sinasabay-sabay inumin. Tatlo at a time at nag-mustra siya kung ano ang style niya.

Aside from food supplements, inamin niyang apat na beses na rin siya nagpa-stem cell. “I did it in my 30s, 40s, 50s twice.”

Sa Germany? “Dalawa sa Germany, dalawa dito na. Nandiyan na kasi eh. Sa Villa Medica. Andyan na kasi sila. So, tipid ‘yung gastos,” kuwento pa niya.

Ilang years mo nang ginagawa na ganun karaming food supplement?

“I never got COVID. Eh, at the height of it, hindi pa natin alam kung ano ‘yung COVID,” na ibig sabihin ay epektibo ang iniinom niya.

Nag-umpisa raw siyang mag-take ng mga supplement mula nung mag-wellness siya. “Meron akong wellness doctor. So, we read my numbers, my hormones. Hindi lang ito ‘yung regular CBC, you know, makapal. Hormonal numbers binibilang. Halimbawa, he’ll say, look at this number, Korina, it’s at 40, it should be at around 25. What does that mean? That’s a precursor to a heart attack. Malayo ka pa, pero umaangat na, baba na natin. Naturally. Cocuten for the heart. So, to me, that’s a life hack. Kailangan talaga sleep, supplements, breathing. Breathing kapag naa-anxious ka, breathe ka lang, hold it, and then mahina ‘yung paglabas mo. Ang ganda ng epekto. Makakatulog ka pa,” paliwanag niya kung ba’t niya kailangan ng iba’t ibang mga supplement.

Bukod dun, may oras na lang ang trabaho niya. Idolo niya sa ganung sistema ang bilyonaryong si Manny Pangilinan. “Kasi parang nangyari talagang tulog-trabaho, tulog-trabaho. Sabi ko, hindi ito pwede. Bakit nga ba si Manny Pangilinan tuwing Martes lang pumipirma ng cheque.

“Dapat ako rin gano’n. Siguro gano’n sila, ‘yung mga maraming kumpanya. Iniisip ko, ginagaya ko ‘yung style. Nobody can call or text me beyond 8 p.m. And I don’t want to work beyond 8 p.m. Nobody can text or call me before 9 a.m. Siguro lahat nasa Netflix, lahat sa platform napanood ko na. Kasi ‘yun ang bakasyon ko eh.

“‘Yun ‘yung departure ng mind ko from the daily things. To prevent yourself  from a burnout. Ah ‘yung nangyari sa akin noon. Oo, parang nagkaroon ako ng mini meltdown burnout. He doesn’t know (Mar Roxas). Ayokong nagpapabigat sa partner ko. I don’t tell him, ‘yung reklamo, ganun. I take care of myself. I take care of myself para buo ako para sa kanila. Buo ako para sa mga anak ko. Hindi ako whinner,”

Anyway, break din ngayon ang tatlo sa anim niyang programa kasama na ang Face to Face sa TV5.

Naaksidente raw kasi ang EP nila sa programa pero next week aniya ay babalik na sila sa taping.

Pero kumusta naman ang pagho-host niya sa Face to Face?

“Naku ang daming nagsabi sa akin, bakit mo tatanggapin iyan? Para kang referee sa mga nag-aaway sa barangay. So, ang daming nagtatanong sa akin noon.

“I said, napaisip tuloy ako, ‘Korina ‘yung brand mo, ano ka ba, alagaan mo naman ‘yung brand mo.’ Ano ba ‘yung brand ko? Eh, mula sa pinakasosyal hanggang sa nasa bara-barangay, ginagawa ko naman, ‘di ba? So, sabi ko, saan ba ako galing? Galing ako dun sa... Meron pa nga kami dati, si Charo Santos, ang producer. Sa barangay talaga kami. Talagang doon sila nag-aaway. Tungkol sa aso, tungkol sa manok, pinag-aawayan nila noon. Eh, doon naman ako galing, AM Radio. Sabi ko, well, this is my brand. This is really my brand. In fact, Bilyonaryo Channel, wants me to do a show interviewing the very rich. Namomroblema ako kasi hindi naman ako masyadong sanay doon sa mga mayayaman. Dito ako talaga sa mga nagsasabunutan dahil lang sa P600, ‘di ba. Kaya abonado ako diyan eh, really. Abonado ako. P600 lang nagsasabunutan,” mahabang kuwento niya.

Kaya naman binibigyan na lang daw niya ng P600.

“Alam mo ‘yung dahil lang sa P600, hindi sila maka-move on. Ayaw bumukas ng swerte sa buhay nila dahil lang sa P600. Edi abonohan ko na lang pero may sermon. May sermon at tsaka, chine-check talaga namin ‘pag kayo nag-away ulit, babawiin ko ‘yung anim na daan ko, ha,” kuwento pa ni Ms. K na sa totoo lang ang sayang kausap.

Bawat sabihin niya ay may laman at walang tapon.

Bini, iniikot ang North America!

Sa kalagitnaan ng BINIverse World Tour, inilabas ng nation’s girl group na BINI ang kanilang special tour single na Shagidi na hango mula sa isang larong Pinoy.

Proud na ibinida ng grupo sa kanta ang Pinoy cultural pride at global pop appeal nito. Si BINI Maloi ang nagdisenyo ng single cover.

Nabuo ang upbeat track mula sa ABS-CBN Music Camp noong nakaraang taon na naganap sa Davao. Dumalo rito ang iba’t ibang international producers at local artists kabilang ang Kapamilya singers na sina Angela Ken, Angia Laurel, at Maymay Entrata. Dito ay naka-bonding nila ang producers at ipinakilala ang larong Shagidi Shapopo.

Naging inspirasyon ito para sa kanilang recording session ng sumunod na araw kasama ang composers ng kanta na sina Marqueze

Parker, Tommy Brown, Courtlin Jabrae, JBach, at Angela Ken.

Kamakailan ay inilabas ng BINI ang kanilang comeback single na Blink Twice mula sa BINIverse EP.  Sinundan ito ng Zero Pressure performance video na inilunsad noong Mayo.

Napanonood na rin ang kanilang unang variety show na BINIversus sa BINI Official YouTube channel. Kasalukuyang nasa world tour ang grupo at bumibisita sa iba’t ibang lugar sa North America.

KORINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
OSZAR »