Sharon, pang-teenager na ang kapayatan
Nanggulat na naman si Sharon Cuneta sa kapayatan.
Sa kanyang dalawang magkasunod na post kasi ay ang payat niya talaga.
Lutang na ang cheekbone niya.
Ito ‘yung photo na suot niya ang isang Filipiniana gown na ang caption ay “At a special event tonight! No new movies or tv shows or concerts yet, but busy busy busy!? Sched’s still full!” at casual outfit na aniya ay “pauwi na.”
Grabe, pang-teenager na ang katawan niya.
Bumagay naman sa kapayatan ni Ate Shawie ang bagong short hair niya.
May iba namang nagkomento na tama na dahil baka naman magmukha na siyang walang kinakain at anorexic.
Pero may mga komento namang fresh and slim na talaga siya.
Pj Abellana, hawak ang sikreto ng hiwalayan nina Carla at Tom
Limitado ang mga kuwento ng veteran actor na si PJ Abellana tungkol sa rebelasyon ng kanyang dating misis, ang ina ni Carla Abellana.
Nakatakda raw kasi siyang magkaroon ng interview kay Julius Babao kung saan nga ibinunyag ng dati niyang misis na si Rea Reyes na cheater diumano siya sa kanyang first and second wife.
Kaya naman kahapon ay hiningan namin ng pahayag ang actor, sa presscon ng The Heart of Music, kung saan gaganap siyang ama ni Gladys Reyes. “Ewan ko sa kanila,” sabi niya kaagad.
Although may lumabas na siyang interview tungkol dito, ayaw na raw niyang magbigay ng masyadong detalye.
Pero nabanggit niya: “Reach out happened. ‘Yung last comment ko I was trying to reach out; I was trying to get in touch to find out, especially to hear the side of my daughter (Carla). Pero kabaliktaran, ‘yung anak ko pa ‘yung hindi ko nakukuhanan ng information, ng details. Si Tom (Rodriguez) na in-law ko lang ‘yan, siya ang kusang pupunta sa akin twice,” umpisa niya na ang tinutukoy ay ang hiwalayan ng anak at actor na si Tom na inilabas na sa social media ang bagong partner at anak nila.
Dugtong pa ni PJ : “That’s why I came up with an issue with Cristy Fermin coming from Tom. Hindi ko ‘yan gawa-gawa. As a parent, concerned ako sa mga bata. Pareho kong anak ‘yun eh. Gusto kong mag-referee, gusto kong to do something na mag-patch up ‘yung dalawa. Kasal na ‘yun eh. I’ve experienced the separation, so I wouldn’t like this to happen to my daughter as well,” dagdag niyang pahayag na tungkol nga sa nakaraang kontrobersya sa anak.
Parang na-misinterpret nila na nakikisawsaw kayo sa issue?
“Eh bakit ako magsasawsaw eh tatay ako. Paano nila sasagutin ‘yan. Bilang ama ba wala [akong] karapatan? Ganon ‘yun. Pumunta ‘yung tao sa akin, umiiyak sa harap ko. Nagmamakaawa, nakikiusap [na] tulungan ko sila. So what do you expect, as a parent, anak ko na rin si Tom. That’s how I see things. Kasal na ‘yung dalawa, official na ‘yun. Anak ko na pareho ‘yan. Saka hindi ako pwedeng gumitna at i-echapwera ‘yung isa. Referee ang gusto kong gawin sa sarili ko. Magre-referee ako to patch things up as much as possible,” pagdidiin niya sa nangyari noon dahil iba na ang senaryo sa kasalukuyan.
Pero anong naramdaman niya na parang hindi nakatulong ang sinasabing mabuting intention niya noon.
“Eh, ‘yan ang showbiz. Knowing showbiz, ‘yan ang showbiz. May exaggeration, may misinterpretation; kapag nahanapan ng ano may kanya-kanyang opinyon, may kanya-kanyang pagkakaintindi bawat tao. I’m very much used to that. I even told him, Tom, sabihin mo lahat sa akin. Kasi ito ‘yan, sabi ko, baka mamaya ‘pag kausap ko si Carla may maririnig akong iba dun na hindi mo sinabi, so paano ako tutulong sa’yo? I’ve experienced enough. Three marriages na ako. Dapat sa akin sila mag-survey, mag-research, at mag-consultation. Hindi naman sa pag-aano. That’s more of a joke, pero the experience itself, three marriages na ako, ‘di malawak na experience ko dyan.
“But anyway, hindi ko dinaraan ‘yan sa ano kasi as much as possible I just wanted to help, to save the marriage. Anak ko ‘yan eh. At tsaka kahit tanungin ninyo sila kung ano ang naging treatment ko sa kanila after the separation, I was very much intact with them. Prior na mag-artista si Carla, three times a week kong sinusundo ‘yung dalawang bata. Magmula nung mag-artista siya, alam ko kung gaano ka-busy ang schedule ng artista dahil dinaanan ko ‘yan. So hindi ko na sila nasusundo. That was the only time na nahinto ‘yung three times a week na sinusundo ko sila. What I mean is that throughout the time after the separation and annulment, I remained connected with the children. And I was friendly as well with my ex-mother-in-law and with my ex-wife because that’s the only way para wala nang komplikasyon sa pagsundo at sundo. At first may cut-off ako sa oras sa mga bata. Till the later part, nao-overnight ko na ‘yung mga bata sa akin. ‘Di ba nawo-workout ko for the better,” mahaba pa niyang pag-aalala sa kanyang naging relasyon sa anak noon na medyo kinagulat namin na sa umpisa ay ayaw raw niyang magkomento pero in all fairness ang dami niyang nasabi.
Anyway, this June na mag-uumpisa ng shooting ang The Heart of Music na isang musical film and target na isali sa Metro Manila Film Festival this year under Utmost Creatives Motion Pictures na isinulat at ididirek ni Gat Alaman.
Kabilang din sa cast sina Robert Seña and Isay Alvares, Angel Guardian, Kristoffer Martin, Sean Lucas, Elijah Alejo, Rey PJ Abellana, at ang mag-asawang Joshua Zamora at Jopay Paguia.
Korina, nanermon ng staff na kita ang pusod at naka-mini skirt
“I always pray for her,” sambit ni Korina Sanchez na ngayon ay tinuturing na Multimedia Platform Kween dahil sa maraming shows niya sa iba’t ibang platform sa isang thanksgiving lunch kasama ang ilang entertainment press noong Biyernes sa kanilang Bahay na Puti sa kalagitnaan ng Cubao.
May communication daw sila ni Kris na ang alam nga niya ay sa isang resort na nakatira.
“She’s kinda reclusive. Oh, nasa beach siya ngayon? Maganda ’yon, fresh air. Although I saw her son in one of the wakes, pinatatanong ko nga if I can interview her,” komento niya.
Dagdag ni Ate Koring: “Siyempre, she has to live her life the way she wants, ‘di ba? So, ganu’n.”
Gusto raw niya itong ma-interview, pero as of yesterday wala pa raw siyang feedback from her team kung handa itong magpa-interview sa kanyang programa – puwedeng sa Rated Korina o Korina Interviews.
Anyway, isa nga si Ate Koring sa iilang broadcast journalists na nakasabay sa pagbabago ng media landscape – na hindi na lang sa TV nanonood ang audience, nasa iba-ibang platform na rin sila.
“Kaya tama ang sinabi ng this great thinker that I was watching on CNN, na tanong sa kanya ng anchor, ‘what is the one single best thing you can teach your children’?
“So akala ko, peace on earth mga pang-Miss Universe, ‘di ba? But no, sabi niya, ‘most important thing you can teach your child is adapting the change, because change is the only constant, and this kind of change, is kinda 360.
“Parang talagang tumaob ang industriya. At kung hindi ka marunong mag-adapt sa change, diyan ka na talaga maiwan.
“So as soon as that happened, mabuti na lang ano ako… nagawa ko agad.”
At gusto niya aniyang subukan ang lahat ng bagong media landscape.
“I wanted to test all the genre in the new landscape of media.
“Paramihan ngayon ng platform with smaller niche of audience, ’di ba?” sabi pa niya.
Na sinimulan niya kaagad.
“Immediately! Hindi pa nga nasasabi sa akin ng ABS-CBN na pakakawalan na nila ako, nakaisip na ako ng next step ko. Mabuti na lang na ganun ang training ko.
“Survival mode ako parati. Eh kasi, I was an executive producer for ABS-CBN for so long. You know, fighting that ratings war for 25 years. Because I was also EP (executive producer), hindi lang ako talent.
“So because of that training, parang battle ready parati,” pag-alala pa niya.
Nag-umpisa ‘yun sa Rated K na inilagay niya kaagad sa social media kasabay noon ang pagsabak sa pagiging producer/line producer.
Na sa kasalukuyan ay na-master na niya.
Katunayan, dahil anim ang shows, anim na sets din ng staff ang katrabaho niya. Ilan sa mga ito, kabilang sa Gen Z.
“Sermon talaga!” sagot niya kung paano siya nakikipag-deal sa bagong henerasyon.
Sa pananamit na nga lang daw, istrikta na siya.
Like may isang staff siya na laging naka-mini skirt at top na kita ang pusod na ganun din ang suot nang minsang pumunta sila sa bahay ng isang statesman.
“Naku, memo! Hahaha! Sabi ko ‘memo-han mo ’yan,’ ’di naka-focus ’yung matanda dahil nakatingin sa ’yo! May ganu’n sila, eh. Magtitinginan na lang kami nu’ng medyo kasing tanda kong staff.
’Pagsabihan mo ‘yan,’ hindi pwedeng sa akin manggaling, baka mag-resign ’pag ako ang nagsalita. Hahaha!”
Nang pagsabihan ng senior staff, sinagot daw ito ng bagets ng “love language niya (Korina) ’yon.”
“Love language ko raw ‘yon, ‘yung manermon! Ayaw nilang humiwalay sa akin! Hindi rin ako nagtatanggal ng tao. Ngayon na lang nauso ‘yang love language,” nangingiti pang sambit ng batikang host.
Pagdating sa pagpapasweldo, proud na sinabi ni Korina na mala-ABS-CBN nu’ng heydays nito ang rates ng produksyon niya ngayon.
“Ang daming tao. Anim ang shows ko kaya nu’ng nag-party ako, sabi ko, ‘ay, ganito pala ang feeling ni Deo Endrinal (yumaong head ng Dreamscape Entertainment). Iba-ibang staff for each show, nakakaloka, nakakasira ng ulo! Hahaha! Kaya, time management. Kasi ’pag producer ka, kahit magagaling ang mga tao mo, ang dami nilang tanong. Ang dami nilang tanong, ‘anong uulamin?’ ‘saan itatago ‘yung silya?’ ‘may gasgas ‘yung mesa, pababarnisan ba natin?’
Patuloy niya, “Hindi naman ako nagpapayaman, pinamimigay ko rin ang kinikita ko, hahaha!”
- Latest