^

Pang Movies

Ivana, sumubok mag-babysitter!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Ivana, sumubok mag-babysitter!
Ivana Alawi at Toni Fowler
STAR/File

Andaming tawa ng mga nanood sa vlog ni Ivana Alawi na “LIFE SWAP WITH TONI FOWLER | IVANA ALAWI.”

Tho bitin na bitin sila.

Pero parehong bongga ang mga bahay ng dalawang sikat na vlogger.

At as Toni Fowler, nag-alaga si Ivana ng baby ni Toni na na-enjoy niya raw.

Ang cute rin kasi ng baby ni Toni at nagpaka-mommy talaga siya sandali.

Kaya ang saya rin ng mga komento na bagay na rin daw kay Ivana na mag-alaga ng baby.

Mabilis nawala ang pinag-uusapang intriga sa kanila ni Mayor Albee Benitez matapos ngang lumabas na matagal na palang hiwalay sa misis ang pulitiko / movie and TV producer.

FranSeth movie, bet sa NY

Na-feature sa New York Times ang streaming worldwide ng pelikulang My Future You.

Kasama ito sa article bilang isa sa “Five Science Fiction Shows You Need to Stream Right Now!”

Kaya tuwang-tuwa ang producer nila, si Ms. Roselle Monteverde ng Regal Entertainment, na hanggang sa abroad ay napansin ang pelikula nina Seth Fedelin at Francine Diaz.

Official entry sa MMFF 2024 ang My Future You at umani ito ng maraming positive review at napatunayan ng FranSeth na kaya nilang magdala ng sariling pelikula.

Kaya’t may follow-up movie na kaagad sila, She Who Must Not Be Named ayon sa Star Magic.

Juliana, tuloy ANg pagsunod sa yapak ng ama

Masayang-masaya si Cong. Richard Gomez na tatlo sa kanilang mga atleta – mula sa Ormoc City ang kuwalipikado para sa Women’s Epee National Team at lalaban sa darating na Southeast Asian Games sa Thailand ngayong Disyembre.

At kabilang sa nasabing team ang nag-iisang anak nila ni Mayor Lucy Torres na si Juliana Gomez.

Isang cum laude graduate si Juliana na may degree sa Public Administration, at kasalukuyan siyang naghahabol sa master’s degree sa UP.

Fencing gold medalist noong 2005 SEA Games si Cong. Goma at suportado nito ang mga ginagawa ni Juliana.

Mayroong Ormoc City Superdome sila kaya naman maraming atleta ang bumibiyahe pa sa Ormoc upang doon magsanay at madalas nagiging venue rin ito ng mga fencing competition.

IVANA ALAWI

TONI FOWLER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
OSZAR »