Balibagan nina Ian at Maris, pinag-isipan ng malaswa!

Wow, bongga ang Reel post ni Maris Racal habang ibinabalibag siya ni Ian Veneracion.
Aniya sa video: “Pa-picture naman po, Ian Veneracion, pa-balibag naman po,” sabay tili at tawa matapos nga siyang ibalibag ng actor na gumaganap na lider ng mga contractor sa hit action series na Incognito na pareho nilang pinagbibidahan.
May caption itong “Happy father’s Day, our contractor dad. Thanks for the never ending missions.”
At naka-tag si Ian.
Nung huling tingin namin, halos 100k na ang ‘puso’ nito.
Kitang-kita na enjoy na enjoy si Maris sa nasabing balibag ng aktor pero as expected binigyan ng malisya.
Baka raw si Ian na ang next. At may reaction din na mas feel ni Maris ang mas may edad. Ex ng actress si Rico Blanco na 25 years ang age gap.
Around that number din ang age gap nina Maris at Ian.
Dahil din sa nasabing video, andaming gustong magpabalig ngayon kay Ian.
Jessy, brineak-in sa ginawa nila ni Gerald
Mapapanood na ulit ang action-drama royalty na si Gerald Anderson sa kanyang pinaka-inaabangang comeback teleserye pagkatapos ng tatlong taon, ang bagong crime thriller ng ABS-CBN na Sins of the Father, simula Hunyo 23 (Lunes), 9:30 PM sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, TV5, iWant, at TFC.
Gagampanan niya ang papel ng isang tao na maiipit sa magulong mundo ng scamming, isang karanasan na kinakaharap ng maraming Pilipino sa kasalukuyan.
Ayon sa aktor na nagdiriwang ng kanyang ika-19 taon sa showbiz, swak ang teleserye sa kanyang personal advocacy na mamili ng mga proyekto na magpapalaganap ng kamalayan sa mga manonood.
“Lagi kong nire-request sa ABS na pag may proyekto ako ay sana may social awareness at sana may mapupulot na aral ‘yung mga tao pag pinanood nila because maraming distractions these days. We have scamming, we have social media, everything,” umpisa ni Gerald.
Ibang-iba aniya ito sa mga nauna niyang serye: “Like ‘yung... of course, it’s different from Budoy, A Soldier’s Heart, Tayong Dalawa.... But more than just the character, it’s the story itself. I think our bigger purpose for the show is to make people aware na nangyayari talaga ito. Kaya makaka-relate ang maraming tao. Kasi if it’s not you, ‘yung may kilala kayo na nangyayari sa kanila itong ganitong kwento.
“So, l’m extra motivated kasi alam ko na may mauuwi sila every episode. Di ba, may bago kayong matututunan. And there’s that awareness.
“So parang eye-opener siya sa viewers natin.. yeah I eye -opener super super .. na parang the next victim could be you. Yeah. And while you’re watching it, it’s also parang a forum na pwede ka mag-open up ah. Hindi ka na, kumbaga wala na ‘yung stigma na alam mo nangyayari rin sa akin yan. I should speak up. Parang ganun. I should speak up. And then, ‘yun. “Because of the show, medyo mawawala ‘yung stigma at yung takot. Di ba?” mahabang paliwanag ni Gerald tungkol sa alam niyang magiging epekto ng kanyang bagong palabas na iba na kesa sa naunang kuwento ng comeback sana niya, ang Nobody.
At suportado ito Direk FM Reyes. Sabi niya, “Hindi naman kaila na that’s what’s been happening sa hirap ng buhay, maraming manloloko, and I think malaking ginagampanan no’n yung request ni Gerald na gagawa po ako ng project na may social relevance. His concern for the society is not just for showbizness. During moments of disasters you can see him saving people. It comes out naturally.”
Samantala, comeback teleserye din ni Jessy Mendiola ang Sins of the Father pagkatapos ng anim na taon at excited siyang makasama muli si Gerald na una niyang nakatambal mahigit isang dekada na ang nakakaraan sa Budoy na ipinalabas taong 2011. “Natutuwa ako kasi no’ng last ko siyang nakatrabaho ang babata pa namin. Andami nang nangyari sa mga buhay namin and I’m just really happy to be working with Gerald again,” sabi ni Jessy.
“Si Ge, maalagang co-actor ‘yan. Sobra sinasabi ko lagi ito sa mga nakakasama ko na siya ang isa sa pinakamabait na lalaking artista na nakilala ko talaga. He’s really kind and generous siya sa pagdating sa craft niya, pati sa pag-aalaga sa set. So I’m really happy.”
Aminado rin ang misis ni Luis Manzano na para ulit siyang baguhan nang sumabak sa serye: “Baguhan .. almost 6 years na kasi ako nagpahinga. Tapos Hindi ko po talaga akalain na babalik pa ko. Kaya I’m very grateful. Actually ngayon naninibago pa ako eh. Kasi actually first big event ko ito after almost six years... sa showbiz ha. So I’m very grateful and ‘yun nga sinasabi ko nga kanina na inaalagaan nila ako sa set, sila Direk FM (Reyes). Even the production, the staff, even my co-actors. Talagang alam nila kasing first soap ko in a very long time. They were very accommodating sa mga concern ko, sa mga question ko. So I’m nervous but I’m really excited kung what’s in store for me sa pagbabalik ko.”
Inamin din niyang brinake-in siya rito. “So unti-unti nilang kinukunan ‘yung mga eksena ko hanggang sa finally, pabigat na nang pabigat ‘yung mga eksena ko. So nakapag-adjust naman ako kahit papano and ‘yang nga sinasabi ko paulit-uli talaga, I’m just really grateful na inaalagaan talaga nila ako.
“So, yung sinasabi ko kanina, marami pang aabangan talaga sa show na to. ‘Yung character ko rito, si Agnes, marami pa talagang mga secrets na mag-unfold,” sabi pa niya.
Iikot ang Sins of the Father sa kwento ni Samuel Trinidad (Gerald) na isang bank manager na guguho ang mundo pagkatapos mamatay ang kanyang ama na sangkot sa isang pangmalakihang scam.
Makakasama nina Gerald at Jessy sa star-studded series sina Shaina Magdayao, Francine Diaz, Seth Fedelin, JC De Vera, RK Bagatsing, Lotlot de Leon, John Arcilla, Joko Diaz, at Tirso Cruz III.
Kabilang din sa cast sina Soliman Cruz, Malou Crisologo, Nico Antonio, Jerald Napoles, Alex Medina, JV Kapunan, LA Santos, Jeremiah Lisbo, Elyson De Dios, Clave Sun, at Cailey Magno.
- Latest