^

Pang Movies

Kris, dinamay ang ‘holy spirit’ sa video ni Bato

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Kris, dinamay ang ‘holy spirit’ sa video ni Bato
Kris Aquino

“I MISS THE OLD ME.” Ito raw ang sabi ni Kris Aquino ayon sa kaibigan niyang si Dindo Balares.

Kamakailan nga ay binisita ni Dindo si Kris sa tinitirhan nitong private beach resort at 10 days silang nag-bonding doon.

Pero totoo bang nasa Ilocos si Kris?

Kwento ng dating entertainment editor, pinagluto raw niya si Kris ng paborito nitong chicken curry.

Tsika pa ni Dindo, may nagpadala raw kay Kris ng viral video ni Sen. Bato dela Rosa kung saan ay sinasabi nito na “I am not a lawyer, nag-iisip lang. I am just guided by the Holy Spirit.”

Karugtong daw ng video ay ang old clip ni Kris na sinasabing “I’ll wait for the Holy Spirit to guide me. Idinamay ko pa ang Holy Spirit!”

Pinagtawanan daw ni Kris ang lumang video niya and at the same time ay na-touch sa comment ng netizen na “nakaka-miss si Krisy.”

Sa comment section ay maraming netizens ang nagsabi na nami-miss din nila ang dating Kris at ipinagdarasal nila na sana’y gumaling na ito at makabalik sa telebisyon.

Zeinab, sinagot ang P20M na gastos sa kasal

Itinanggi ng newlyweds na sina Zeinab Harake and Bobby Ray Parks. Jr. ang ispekulasyong P20 million ang nagastos nila sa kanilang kasal na ginanap noong June 17 sa Crystal Palace of Aquila sa Tagaytay City.

Hanggang ngayon nga kasi ay pinag-uusapan pa ng netizens online ang pagka-grandioso ng kasal to the point na sila na talaga ang nag-compute ng mga nagastos ng mag-asawa na umabot daw sa P20 million.

Pati ang wedding cake ay ginawan nila ng presyo na worth P2 million naman daw na kaagad na itinanggi ng bakeshop na gumawa nito.

Pero ang isa pang pinagpipistahan ng mga marites ay ang nakita sa video na kumakain ang isa sa tumayong ninang na si Toni Gonzaga sa paper plate.

Pinupulaan ng netizens na pinakain ang bisita sa paper plate gayung napakabongga ng kasal.

Finally ay sinagot itong lahat ng mag-asawa sa kanilang guesting sa Fast Talk with Boy Abunda nitong nakaraang Tuesday, June 17.

Unang sinagot ng dalawa ang issue tungkol sa paper plate.

“Kaya may paper plate, dahil sa cocktail area. May pika-pika kasi after the ceremony, before mag-fireworks, para hindi naiinip ‘yung aming mga bisita po and magutom, nag-ready kami ng pika-pika,” paliwanag ni Zeinab.

Natatawa pa niyang dagdag, “actually, lahat na lang, pinapansin.”

Kasunod ng anito ay tinanong na ni King of Talk Boy Abunda ang tsismis na P20 million ang halaga ng kanilang bonggang wedding.

“OA po,” mabilis na sagot ni Zeinab.

Sambit naman ni Bobby, “grabe naman.”

Saad pa ni Zeinab, “ako talaga nag-comment ako, ‘OA.’ Kasi masyado nilang pinapalaki. Even the cake, naging P2 million na hindi naman po talaga.”

Paglilinaw niya, “hindi po umabot ng P20 million ‘yung wedding namin.”

Pahayag naman ng basketbolisa, “To be honest, na-humble po ako and blessed at the same time kasi po ganu’n po na po kataas ang tingin nila sa amin. Pero ‘yun nga po, hindi naman gumastos ng P20 million po. Pero blessed kami na na-present namin ‘yung elegance and ‘yung wedding na ganu’n.”

For the last question ay tinanong ni Kuya Boy si Zeinab kung pregnant ito. Nag-isip muna ang content creator bago natatawang sumagot ng “No!”

KRIS AQUINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
OSZAR »