Sarah Lahbati, karelasyon diumano ni Cong. Marty Romualdez

At sa miyembro ng ultra-rich family.
Diumano’y karelasyon ng actress/ model/influencer sa kasalukuyan si elected Tacloban Congressman Martin “Marty” Romualdez Jr., anak ni House Speaker Martin Romualdez at Tingog party-list Rep. Yedda Marie Romualdez.
Ayon sa isang reliable source, ang suwerte ni Sarah dahil matalino, guwapo at mayaman si Cong. Marty na nag-aral sa Amerika na dating konsehal sa Tacloban.
Medyo hindi pa diumano open ang dalawa sa kanilang relasyon.
Lucky girl kung totoo nga toh dahil of course mayaman ang mga Romualdez.
Bago si Cong. Romualdez ay may ilang sinasabing manliligaw si Sarah.
Nauna nang inamin ni Richard Gutierrez sa isang interview na nasa proseso na ng annulment ang kanilang kasal pagkatapos ng kanilang hiwalayan.
Sa kasalukuyan ay maayos ang setup ng dating mag-asawa – co-parenting setup sa kanilang dalawang anak, Zion at Kai, mula nang maghiwalay sila noong 2023.
Maaalalang ang kanilang breakup ay nakumpirma lang noong Marso 2024 pero walang ibinunyag na dahilan ang dalawa.
Si Sarah ang nagkumpirma sa nasabing hiwalayan nila.
Wala namang kumpirmasyon kung sina Richard at Barbie Imperial ang magkarelasyon sa kasalukuyan.
Hindi naman active sa social media si Cong. Marty.
Ahh sabagay wala namang masama. Maganda naman si Sarah na recently ay nagbiyahe sa Paris para manood ng Roland Garros na sponsored trip naman base sa kanyang mga post.
Chad Kinis, ginawang joke ang ‘death card’
Iba’t iba ang reaction sa post ng komedyanteng si Chad Kinis na nakalagay sa black and white artcart na “We regret to inform you that our beloved Chad Kinis has passed 2 years of being single.”
Habang may caption itong “ikinalulungkot po namin na ipagbigay alam”
May ilang mga hindi nagbasa ng post kaya’t nag-condolence kay Chad.
Meron naman tinalakan ang komedyante dahil asan daw dun ang nakakatawang bahagi. Pero meron din naman na tanggap na sa panahon ngayon, joke joke na lang ang death for their social media content.
Pero mas maraming kinabahan dahil ganun ang hitsura ng mga art card ng mga pumanaw sa showbiz na kamakailan lang ay sunud-sunod.
Nakabanggit naman doon na parang magpapa-contest ang komedyante.
BGYO, busy sa mga commitment sa abroad!
Handa nang magpaibig ang BGYO sa kanilang bagong dance-pop single tungkol sa pagiging hopeless romantics na pinamagatang All These Ladies na inaalay nila para sa lahat ng mga kababaihan.
Makikita rin ang fresh look ng BGYO members na sina Akira, Gelo, JL, Mikki, at Nate sa official music video ng kanta na napapanood na ngayon sa kanilang Official YouTube channel.
Handog ng ABS-CBN Music International ang All These Ladies na sumailalim sa recording habang ang grupo ay nasa Los Angeles sa Amerika noong Agosto 2024.
Nagmula ito sa panulat nina BGYO Mikki, BGYO Nate, Ron Robinson Jr., at Ebonie Smith kasama sina Greg Shilling at Stephen Santa Teresa na nagprodyus din ng awitin katulong si Brian Kierulf.
Sinusundan ng All These Ladies ang paglunsad ng BGYO EP noong Marso tampok ang key track nito na Divine.
Samantala, kamakailan ay kinilala ang BGYO bilang Group Performer of the Year sa 6th VP Choice Awards at naging bahagi rin ng Rising Class of 2025 ng Billboard Philippines.
Makakasama sila sa Dream Warrior concert ng BOSSCKM sa Sphere Hall, Emsphere sa Bangkok sa darating na Hulyo 5 (Sabado). Nakatakda naman nilang pangunahan ang TFW event ng MYX sa Riviera Theatre sa Chicago sa darating na Agosto 16 (Sabado). Bukod, dito kaabang-abang din ang magiging performance nila sa Summer Sonic Bangkok 2025 sa Agosto 23 (Sabado) at sa ASAP England sa Agosto 30 (Sabado).
Napapakinggan na ang All These Ladies single sa iba’t ibang music streaming platforms worldwide.
- Latest