^

Pang Movies

Richard, grabe ang naging closeness sa mga ka-kontrak

Salve V. Asis - Pang-masa
Richard, grabe ang naging closeness sa mga ka-kontrak
Richard

MANILA, Philippines — Natawa lang si Richard Gutierrez nang tanungin namin kung may anong possibility ng Book 2 ng Incognito.

Grabe ang clamor ng viewers na magkaroon ng pagpapatuloy ang kuwento ng mga Kontrak.

Pero tumingin lang si Richard sa production at hindi na nakasagot.

At may gagawin na pelikula si Richard sa Regal Films pero wala pa siyang details na ibinigay.

Anyway, sa mga natitirang episode ng Incognito, sasabak sa huling pagkakataon sina Richard, Ian Veneracion, Baron Geisler, Maris Racal, Anthony Jennings, Kaila Estrada, at Daniel Padilla sa kanilang pinaka­matinding misyon laban sa El Cano.

Sa finale media conference noong Huwebes (June 26), ibinahagi rin ni Richard na pinagtibay ng Incognito ang kanilang relasyon bilang magkakaibigan at bilang isang pamilya.

“Every mission, habang tumatagal nagiging close ‘yung buong grupo. Not only the actors but also the crew. Mas nagagamay namin ‘yung isa’t isa. For the finale, dito talaga nagbunga ‘yung lahat ng bwelo ng grupo namin,” sabi pa ng aktor.

Binigyang diin naman ni Direk Lester Pimentel Ong na naging susi ang naging closeness ng Kontraks on and off cam sa tagumpay ng programa.

“They carry each other. ‘Pag pagod na, they support each other. Kahit tapos na ‘yung scene nila, hindi sila aalis, sinusuportahan nila ‘yung kasama nilang nagsu-shoot pa. ‘Yung moral support is very big from each other. Even ako, I get my energy from them,” sabi pa ni Direk na isa rin sa producer ng Incognito.

Ayon sa Star Creatives business unit head Des M. De Guzman, nagbigay ng pangalawang pagkakataon ang serye sa cast. “Incognito is a story of second chances, worth, and family. Alam naman natin pinagdaanan ng superstar cast natin. Hindi kami lumayo sa tunay na buhay, instead lumapit kami.”

Malaki naman ang bilib ni Kaila sa kanyang karakter dahil sa katangian nito na kinakayang magsakripisyo para sa pag-ibig at tungkulin.

Sa kabilang banda, sinabi ni Baron na isasabuhay niya ang magagandang katangian ni Miguel bilang isang ama, habang kinuwento naman ni Anthony na hinangaan niya kay Tomas ang pagmamahal nito sa mga taong malalapit dito.

Sa finale trailer, nakita ang inaabangang pag­haharap ng Kontraks at sina Manuel Aguinaldo at El Cano sa Marawi.

Sa kanilang misyong pataubin ang El Cano, patuloy pa ring haharapin ng Kontraks ang sarili nilang hamon sa buhay, pag-ibig, at pamilya.

Mapapanood ang mga kapana-panabik na episode nito gabi-gabi tuwing 8:45 p.m. sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, TFC, at Kapamilya Online Live sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel at Facebook page. Maaari itong mapanood nang mas maaga sa Netflix at iWantTFC.

Pulitikong may karelasyong ex-Beauty Queen, maingat dahil sa annulment

Ahh kumpirmado ang relasyon ni former beauty queen at isang pulitiko na hiwalay na sa asawa.

Hindi pa lang talaga raw pwedeng ibunyag dahil nasa proseso pa ang annulment ng pulitiko na komplikado dahil diumano’y naghahabol ang misis sa mga property ng mister.

Oras na matapos naman daw ‘yun ay isasapubliko rin ng pulitiko ang relasyon sa former beauty queen/host na bonggang trophy wife ‘pag nagkataon.

RICHARD GUTIERREZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
OSZAR »