^

Bansa

DILG kakausapin ICC sa panunumpa ni Duterte

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inihayag ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla na makikipag-usap sila sa International Criminal Court (ICC) kaugnay ng panunumpa ni dating pangulong Rodrigo Duterte bilang alkalde ng Davao City.

Sa isinagawang press conference sa Camp Karingal kahapon, sinabi ni Remulla na kailangan pa ring maproseso na maabisuhan ang ICC sa kung paano ang magiging sistema sa pagpapanumpa ni Duterte. ?“We recognize the victory of former President Duterte. The Commission on Elections declared him the mayor. He was proclaimed a day after the elections,” ani Remulla. Sa kabila ng kanyang pagkakakulong sa ICC dahil sa mga alegasyon ng crime against humanity, si Duterte ay opisyal na idineklarang alkalde ng Davao City.

Nanalo si Duterte na may mahigit 662,000 boto laban sa kanyang katunggali na si Karlo Nograles, na nakakuha lamang ng 80,000 boto.

 “What I will do is, I will notify the ICC if our consul can go there so that he can take his oath. He needs to take the oath to assume office,” dagdag pa nito.Malabo aniyang payagan ang “work from the Hague”.

Samantala, si Davao Vice Mayor Sebastian Duterte, anak ng dating Pangulo, ang magsisilbing acting mayor sa panahon ng pagkawala ng kaniyang ama.

ICC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
OSZAR »