Habagat pumasok na – PAGASA
MANILA, Philippines — Pumasok na sa bansa ang hanging Habagat.
Ito ang inanunsyo nang PAGASA nang lumabas sa nagdaang weather analysis sa nakalipas na ilang araw ang pagkakaroon ng low-level southwesterly winds sa western section ng Luzon at Frontal System sa Extreme Northern Luzon.
Ayon sa PAGASA, ang pagpasok ng Habagat sa bansa ay indikasyon na malapit na ang pagsisimula nang tag-ulan sa bansa sa susunod na dalawang linggo.
“As the Habagat becomes more dominant, occasional to frequent rains and thunderstorms are expected particularly over the western sections of the country. This may lead to the possible onset of the rainy season within the next two (2) weeks. Periods of the monsoon breaks may also occur” ayon sa PAGASA.
Bunsod nito, patuloy na pinapayuhan ang publiko na magsagawa ng precautionary measures laban sa maaaring maging impact ng habagat tulad ng pagbaha at landslides.
- Latest