6-year term ng Barangay., Sangguniang Kabataan execs, aprub ng House
MANILA, Philippines — Pinagtibay sa ikatlo at pinal na pagbasa sa Kamara ang panukalang gawing anim na taon mula sa tatlong taon ang termino ng mga halal na opisyal ng Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) sa bansa.
Sa botong 153 -4-0 ay ganap na napagtibay ang House Bill 11287. Kung maisabatas, papalitan ang petsa ng halalan mula sa Disyembre 2025 ay gagawing Mayo 2029.
Alinsunod sa panukalang batas, ang mga brgy. officials ay eligible sa reelection ng isang beses na nagpapahintulot sa mga ito na manatili sa kapangyarihan ng walang pangingialam o hanggang 12 taon kung magwawagi ang mga ito sa 2029 polls.
“Until their successors have been duly elected and qualified, all incumbent barangay and Sangguniang Kabataan officials elected last October 30, 2023, shall remain in office, unless sooner removed or suspended for cause,” saad sa panukala.
Samantala ang mga brgy. officials namang nasa unang termino matapos mahalal noong Oktubre 2023 ang eligible na tumakbo sa reelection. Nakatakdang magsagawa ng Bicam Conference ang Kamara at Senado upang pag-isahin ang bersiyon ng mga mambabatas.
- Latest