^

Bansa

Chiz sa House: Kami ang korte!

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Chiz sa House: Kami ang korte!
The Senate convenes as an impeachment court with senator-judges in Oxford crimson robes taking their oaths on Tuesday, June 10, 2025 for Vice President Sara Duterte's trial.
The Philippine STAR / Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Nanindigan si Senate President Francis “Chiz” Escudero na hindi maaaring tanggihan ng House of Representatives ang Articles of Impeachment laban kay Vice President Sara Duterte na ibinalik ng impeachment court.

Ayon kay Escudero, walang opsiyon ang Kamara sa naging desisyon dahil ang Senado ang tumatayong impeachment court samantalang mga prosecutors naman ang House.

Ipinaliwanag din ni Escudero na sa impeachment proceedings hindi na pantay o co-equal body ang Senado at Kamara.

“Sa parte ng impeachment, korte ang Senado, prosecutor ang Kamara. Wala sa lugar para sa akin ang Kamara na hindi sumunod sa pinag-uutos ng impeachment court,” ani Escudero.

Hindi rin aniya ­maaring ikumpara sa bicameral committee na kailangang mag-agree o magkasundo ang mga senador at mga kongresista.

“Hindi ito parang bicam na kailangan ­naming mag-agree. Ito’y kautusan galing sa impeachment court na nakatuon sa prosecutor na isa lamang partido sa kaso. Hindi magka-pantay ang partido at ang korte saan mang kaso saan mang parte ng mundo,” dagdag ni Escudero.

Nauna rito, sinabi ni Escudero na ipinadala na niya sa House ang Articles of Impeachment base na rin sa resulta ng naging botohan ­kamakalawa ng gabi.

Nais ng mga senador na tiyakin ng House na hindi nalabag ang isang taong ban sa paghahain ng impeachment complaint dahil lumalabas na hindi lamang isa ang inihaing impeachment complaint laban kay Duterte.

Kinumpirma naman ng Senate Sergeant-At-Arms kahapon ng umaga na tinanggap na ng tanggapan ni Duterte ang “writ of summons” dakong alas-11:05 ng umaga.

Nanindigan din si Escudero na nagawa ng Senado ang trabaho nito sa kabila ng iba’t ibang batikos na kanilang natatanggap.

“‘Yung bulag, mas madaling makakita sa nagbubulag-bulagan. Nag-issue na kami ng summons, hinihintay namin, kung may duda pa at alinlangan, wala na siguro akong masasabi para pawiin ang duda at pagaalang-alang na ‘yun,” ani Escudero.

FRANCIS “CHIZ” ESCUDERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
OSZAR »