PANOORIN: P1,260 pamasahe sa NAIA? Taxi driver pinasuspinde
MANILA, Philippines — Pinasususpinde ni Transportation Secretary Vince Dizon ang lisensya ng taxi driver na naningil ng P1,260 sa isang pasahero para sa biyahe mula Terminal 3 hanggang Terminal 2 ng NAIA—isang distansyang kayang lakarin ng ilan.
Sa imbestigasyon ng LTFRB, lumabas din na paso na ang provisional authority ng operator ng taxi—ang Taxi Transport Hub—noong Marso pa ngayong taon.
Nag-viral ang video ng insidente, kung saan kitang-kita ang pagkabigla at pagkainis ng pasahero sa sobra-sobrang singil. Dahil dito, agad na kumilos ang mga kinauukulan.
- Latest