2026 national budget abot sa P6.7 trilyon

MANILA, Philippines — Inaprubahan ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) ang panukalang P6.793 trilyon na pambansang budget para sa 2026.
Ang nasabing halaga ay mas mataas ng 7.4% kumpara sa P6.326 trilyong budget nitong 2025.
Ayon kay Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman, kabilang sa naturang halaga ang patuloy na pamumuhunan sa Build Better More Infrastructure Program at digital transformation na nakahanay sa Philippine Development Plan (PDP) 2023-2028.
Ipinapakita nito ang patuloy na hangarin ng pamahalaan na paigtingin ang inklusibong pag-unlad ng ekonomiya habang pinangangalagaan ang disiplina sa pananalapi.
Isinama rin sa panukalang badyet ang mga pangunahing hakbang upang mapalakas ang kakayahan ng bansa laban sa epekto ng pagbabago ng klima at sakuna, pagtibayin ang mga sistemang panlipunang proteksyon, at palalimin ang pagbibigay ng pangunahing serbisyo sa mga lokal na pamahalaan.
Nakatakdang isumite ang panukalang FY 2026 National Expenditure Program (NEP) sa Kongreso sa Agosto.
- Latest