4K Party-list, isinusulong mga panukala para sa Kababaihan
MANILA, Philippines — Isinusulong ni 4K Party-list Rep. Iris Marie D. Montes ang mga panukalang batas na nakatuon sa karapatan at kapakanan ng kababaihan.
Isa si Rep. Montes sa mga unang mambabatas na naghain ng 10 panukalang batas o resolusyon sa Kamara.
Ang 4K Party-list, na nanalo sa ilalim ng platapormang HEELS (Health, Education, Environment, Livelihood, and Services), ay naghain ng mga sumusunod na panukala: Kababaihan Kanegosyo at Kasosyo para sa Kaunlaran Act, Kababaihan Kaagapay sa Kaunlaran ng Kanayunan Act, Mariang Makiling Tagapangalaga ng Inang Kalikasan Act, Health Literacy Programs for Expectant Mothers, at Philippine Center for Disease Prevention and Control Act.
“Ang laban ng 4K Party-list ay para sa kababaihan at kanilang mga pamilya. Prayoridad ng 4K na isulong ang mga panukalang batas na magsisiguro ng pag-unlad at kapakanan ng kababaihan. Masipag nating isusulong ang women economic empowerment, bukod pa sa pagtataguyod ng kanilang mga karapatan sa pamamagitan ng mga tumutugon at angkop na polisiya,” ayon kay Rep. Montes.
- Latest