5 government execs pinasasagot ng Ombudsman

Sa kautusang ipina­labas ng Ombudsman, inaatasan sina Justice Secretary Jesus Crispin Remulla; Interior Secretary Jonvic Remulla; PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil; PNP-CIDG chief PMGen.Nicolas Torre III at Special Envoy for Transnational Crimes Markus Lacanilao na mag­hain ng counter-affidavit para sa administrative at criminal cases.
Office of the Ombudsman Philippines / Facebook page

Sa pag-aresto kay Duterte

MANILA, Philippines — Pinasasagot ng Office of the Ombudsman ang limang government officials sa reklamo ng panel on foreign relations sa pangunguna ni Sen. Imee Marcos ukol sa legalidad ng pag-aresto kay ­dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court.

Sa kautusang ipina­labas ng Ombudsman, inaatasan sina Justice Secretary Jesus Crispin Remulla; Interior Secretary Jonvic Remulla; PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil; PNP-CIDG chief PMGen.Nicolas Torre III at Special Envoy for Transnational Crimes Markus Lacanilao na mag­hain ng counter-affidavit para sa administrative at criminal cases.

Matatandaang pormal na isinumite ni Marcos sa Ombudsman ang ulat ng Senado kaugnay sa pag-aresto kay dating Pangulong Duterte para dalhin sa The Hague, Netherlands.

Ayon sa liham na kalakip ng ulat, ibinunyag ng imbestigasyon ang posibleng mga krimen at administratibong ­paglabag ng ilang matataas na opisyal ng gobyerno.

Show comments


OSZAR »