Medical team ng Jose Fabella hospital nag-outreach program sa Micronesia
MANILA, Philippines — Ipinagmalaki ng Department of Health (DOH) ang galing ng Pinoy na kinikilala sa ibang bansa matapos ang matagumpay na medical outreach program sa Micronesia .
Ayon sa DOH, ang Philippine Medical Team (PMT) mula sa Jose Fabella Memorial Hospital ay nagbigay ng training at nagsagawa ng mga medical procedure para maiangat ang kakayanan ng mga health workers sa Chuuk State Hospital ng Federated States of Micronesia.
Ang partnership na ito sa pagitan ng Pilipinas at Micronesia ay binuo ni Secretary Ted Herbosa bilang kinatawan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. upang mapagtibay pa ang kakayanan ng sistemang pangkalusugan ng ating mga kapwa member states ng Western Pacific Region.
Naging oportunidad ito upang maitatag ang galing ng Pilipinong health workers na siyang in-demand sa buong mundo, ayon sa DOH.
- Latest